That should be Me (KaRa/MiBea)

1.3K 36 26
                                    

"Mikaaaaaa!" Sigaw mula sa baba ni Vic.

"Vicccccccc!" sigaw ko din pabalik.

"Bakit sunog nanaman yung sinaing mo!" saad niya.


Bumaba ako na kumakamot sa ulo. Well ilang beses na ako naatasan magsaing at 2 beses palang hindi natutong ang sinaing ko hehe.


"Nakalimutan ko hehe. Sorry na daks" saad ko at niyakap siya mula sa likod.

"Ang galing mo lang talaga kumain eh noh" tugon niya.

"Eh sorry na kasi" saad ko at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.

"Hindi ko din alam bakit pinagsasaing ka pa namin eh. Pasalamat ka mahal kita kundi ipapakain ko sa'yo to." Tugon niya.


Humarap siya sa akin at pinisil ang pisngi ko.


"I love you din po" sabi ko at hinalikan siya sa labi.


Agad naman akong tumakbo sa taas bago pa siya makarecover dahil tiyak nyan ay aawayin nanaman ako dahil hindi siya sanay.


"Humanda ka sakin mamaya damulag ka!" sigaw niyang muli.


Napakapikon talaga ng taong iyon. Napakasungit pa akala mo laging may dalaw. Naligo muna ako at pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong nakasandal siya sa pinto na nakahalukipkip.


"Hi hehe" bati ko sa kanya.

"Bilisan mo." Tugon niya.


Nagbihis naman ako agad at nakita kong naaaburido na siya.


"Uyy bakit ba ganyan mukha mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala, isuot mo na yung bonnet at shades mo." Malungkot niyang tugon.

"Hey Vic, wag ka ng malungkot. Someday we'll be able to go out in public without thinking what they're going to say okay. Someday." Sabi ko habang hawak ang kanyang mga pisngi.

"Hindi naman ako nalulungkot dahil dun." Tugon niya at iniwas ang tingin sa akin.


Pinilit ko siyang sabihin kung bakit ngunit wala akong nakuhang sagot. Nanuod kami ng sine at nagpunta sa seaside.


"Mika" saad niya at hinawakan ang kamay ko.

"Yes Vic?"tugon ko.

"Ano ba tayo?" tanong niya.


Hindi naman kami pero kung umakto kami ay parang kami, kumbaga MU. Pwedeng Malanding ugnayan, o magulong usapan pero dun tayo sa "mutual understanding".


"Bakit walang tayo?" dagdag niya.


Hindi ko alam ang isasagot, dahil ako mismo ay hindi maintindihan kung bakit walang "kami". Kung bakit ako nahihirapan.


"Napapagod ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi mo naman sinagot yung tanong ko." Saad niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Hindi ko din alam Vic." Saad ko at yumuko.

"Hindi sa hindi ako makapaghintay kung kelan ka magkakaroon  ng lakas ng loob Ye, pero medyo napapagod na ako." Malungkot niyang sabi.

"Vic naman..." yun nalang ang naisagot ko sa sinabi niya.


Hindi ako makaisip ng idadahilan sa kanya dahil alam kong nasa akin ang pagkakamali. Takot ako, hindi sa sasabihin ng iba kundi sa sasabihin ng magulang ko.


PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon