Lost (Kara)

650 27 30
                                    


We were watching the game, malayo siya sa kung saan naroon ako, kasama ang taong nagbibigay ngiti sa kanya. Minsan naiisip ko pa rin na sana ako yun, na sana ako na lang ulit kaso alam kong masaya na siya, ako? Pinipilit kong maging masaya.


"Wafs okay ka lang?" Tanong sa akin ni Kim.

"Oo naman! Ang ganda ng nilalaro ng Lady Spikers oh!" Masaya kong sagot sa kanya kahit alam kong ibang bagay ang tinatanong niya.

"Ah oo nga, ang saya nga din nila noh?" Ngumisi naman siya.

"Oo, mukhang masayang masaya sila kahit may issues sila recently." Napatigil ako saglit at ngumiti. "Diba yung kay Cobb sa angas niya? Yun." Segway ko.


Napailing na lamang si Kim.

Natapos ang game within 3 sets, our girls surely loves to play against Ateneo. They gave their best, kahit medyo off ang reception nila today, their blocking is back.

Palapit na ang players dito, pati sila kaya natigil ako. Para bang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Gusto kong gumalaw, gusto kong yakapin siya dahil ang totoo niyan, sobrang miss na miss ko na siya.

Dalawang taon na din simula nung grumaduate kami, dalawang taon na din simula ng tuluyan na kaming nag-iwasan.

Minsan nga napapatanong na lang ako, ganun ba talaga niya kagusto iwasan ako para lumipat pa ng ibang team?

Kinausap niya si Kim, ako naman hinihintay na batiin niya ngunit parang wala siyang balak gawin iyon kaya tinapik ko na lang ang balikat niya gayun na din si Jerome.


"Ingat kayo ha." Wika ko kay Jerome.

"Kayo din." Wika niya pabalik.


Tuluyan na siyang naglakad papunta sa dugout, nagkabanggaan pa nga ang mga braso namin kaso hindi niya talaga ako pinansin.

Nasaktan ako, maigi na lang at kasunod na din nila ang mga dati naming kateam kaya masigla ko silang binati kahit halos durugin na ng martilyo ang puso ko.


"Congrats! Ang galing niyo." Sabay yakap ko sa kanila isa isa. Di alintana ang pawis ng iba.

"Thank you ate! Next time ulit ha!" Sabi ni Dawn kaya pinat ko ang ulo niya at tumango.

"Kung hindi naman tatama sa schedule ng PSL bakit hindi diba." Sagot ko.


Sabay sabay na kami nagtungo sa dugout, doon ay napansin kong naroroon pa si Mika. Dumating na din sila ate Mowky at Carol, patuloy silang nag-uusap. Manaknakha akong tumitingin sa kanya, hinahanap ang eye contact na kanina ko pa inaasam. Pero mukhang pati ang mata ko iniiwasan niya.

Nagkayayaan kami kumain na agad niyang tinanggihan dahil kasama niya si Jerome at may lakad daw sila. Natahimik naman sila, hinihintay akong magsalita dahil ako ang nakakapilit sa kanya. Ngumiti lang ako sa kanila habang busy si Mika dahil tumawag si Jerome.


"Guys una na ako ha, siguro next time. Sorry talaga." Paghingi niya ng paumanhin.

"Sige Ye. Sa susunod ha! Saka napanood namin yung ano niyan ni Jerome! Umayos kamo siya!" Sabi ni Carol.

"Heto bumabawi nga siya. Enjoy!" Kumaway na siya at naglakad papalabas.

"Lapitan mo na." Sabi ni Kim at tinulak tulak ako.


Nakatanggap din ako ng basbas ng ilan pa sa kanila, miski naman sila nanghihinayang. Kahit sana yung friendship namin maibalik man lang, kahit di na gaya ng dati ayos lang.


"Ye!" Sigaw ko pero hindi siya lumingon kaya nagtatatakbo na ako.

"Ye." Muli kong wika nang masabayan ko siya. Tumingin siya sa gawi ko saglit.

"Hmm?" Sabi niya habang patuloy na naglalakad.

"Ingat ka." Yun na lamang ang sinabi ko at muli siyang tinapik sa balikat.


Agad na akong tumalikod at naglakad pabalik kanila Kim. Napahawak na lang ako sa left chest ko kasi ang sakit. Hindi na ako lumingon muli kasi alam kong hindi naman din siya lilingon.

Nang makarating ako sa kanila ay bakas ang pag-aalala sa mukha nila. Sabi ko wag silang magreact hanggat makikita pa nila si Mika.

Nang mawala naman na siya sa paningin nila ay agad akong niyakap ni Kim at ng iba pa. Wala silang sinasabi, pero alam kong nalulungkot sila. Kami yung pinakaclose noon e, pero parang ang layo layo na ng agwat namin.

Doon ko na lang din naamin sa aking sarili kasabay ng pagtulog ng aking mga luha,

I've never lost it all, until I lost you.

PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon