Chapter 13: Hell

1.4K 33 0
                                    


Naalimpungatan ako ng marinig kong may kumakalampag ng doorbell ko sa unit. Damn! Papatayin ko talaga kung sino ang istorbo na 'yon.

Tiningnan ko sa cellphone kung anong oras na. Hell. 3:30 am pa lang. Mapapatay ko talaga kung sino 'yan. Argh! Kainis!

Tumayo ako sa pagkakahiga at saka naglakad papalabas sa kwarto ko.

*Ding* *Dong*

"Sandali lang! Letse!" Inis na sigaw ko at saka binuksan 'yung pintuan ng unit ko.

"Hi Jamie! Mish mo na ba ako?" Napakunot ako ng noo ng bumungad sa akin si Ian, na mukhang lasing.

"Hindi. Bakit ka ba nandito?" Iritang tanong ko.

Hell. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niyang pambubulabog.

"Alam mo bang gusto na kitang patayin sa--" nanlaki ang mata ko sa ginawa.

"Argh! Ian! Papatayin talaga kita sa--"

"Sa ano, Jamie?" Mapang-asar na sabi niya at sinakop muli ang labi ko. This time ay hindi ako nakagalaw.

Hindi ko alam. Pero, parang may tumutulak sa akin, na tumugon. Na hayaan ko lang siya sa ginagawa niya.

"Jamie.. Saan mo ako paatayin? Hmm." Sabi niya at hinila ako papasok at ni-lock ang pintuan ng unit ko.

"Hmm.. Saan mo ako papatayin? Ha?"

Sinandal niya ako sa pader at saka hinalikan. It was a tender kiss.

"Saan mo ako papatayin? Tell me, Jamie.." Nilapit niya 'yung mukha niya sa akin at tiningnan ako ng maigi.

"Sa ano.. Sa.. Ano.." Mahinang sabi ko. Naiilang ako. Oo. Naiilang ako sa tuwing tinititigan niya ako.

"Saan? Hmm.." Napalunok ako ng kinagat niya ang labi niya. Shems.

"S-Sa halik.." Napatakip agad ako ng bibig ng sabihin ko 'yon.

Ngising tiningnan niya ako at saka tinanggal ang kamay kong nakatakip sa bibig ko.

"Sige ba, Jamie." He said.

He cupped my face as he kissed me. Pinulupot niya ang isang kamay niya sa baywang ko at nilapit ito papunta sa kaniya.

"You don't know how you made me feel this so happy. I love you, Jamie." He said, at saka ako hinalikan sa noo.

"You don't know how you made me feel this so happy. I love you, Jamie."

"You don't know how you made me feel this so happy. I love you, Jamie."

"You don't know how you made me feel this so happy. I love you, Jamie."

"You don't know how you made me feel this so happy. I love you, Jamie."

Parang hindi mag-function sa utak ko ang sinabi. He said it! This playboy said that he loves me.

"Ha-ha. Nagbibiro ka ba Ian? Dahil kung oo, hindi ka nakakatawa." Sabi ko at iniwas ang mukha ko sa kaniya.

"Damn, girl. Why can't you just take my words serious?" He asked.

"Because you're playboy." Inis na sabi ko at tiningnan siya. Napaiwas naman siya ng tingin.

"Yes, I'm a playboy. Playboy na handang magbago para sa'yo." Kumindat siya at saka ako hinagkan. Hindi ako nakagalaw.

"I love you, and that's the truth. Trust me, hindi na kita sasaktan. Mahalin mo lang ako." Mahinang bulong niya at saka ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.

Secret LoveWhere stories live. Discover now