Parang namutla ako sa tinanong ni Tin. Napapikit ako at inalala ang mga nangyari sa amin ni Ian. Damn. He didn't. Ang lalaking talagang 'yon.“Ommo! Ibig sabihin?!" Hirit ni Margaux.
Agad na nagsitilian iyong tatlo at nagtatalon sa tuwa. Hindi ako makagalaw o ano naman. Ilang araw na rin akong delay. At saka isa pa, hindi naman ako gumagamit ng kahit ano.
Hinitak nila ako palabas ng banyo at pinaupo sa kama.
“Buti na lang may baon ako. Try this, Suz." Inabot sa akin ni Jewel iyong isang plastic.
Binuksan ko iyon at nakita ko ang pregnancy test. I curiously stare at Jewel. She raised her hands.
“Hindi ko kasalanan, okay? Palagi akong pinapabaunan ni Jacob. Not my fault." Namumulang saad nito.
Makalipas ang ilang minuto ko sa banyo ay lumabas na ako. Bumungad sa akin sila Margaux na halatang excited din.
“Ano na?" Masayang tanong ni Stella.
“Wait, okay? Hindi ko pa tinitingnan."
Kinuha ko 'yung pregnancy test sa bulsa ko at tiningnan. Lumapit sa akin sila Stella at kinuha iyon. Napairap na lang ako ng palihim. Mas excited pa talaga sa akin.
“Waaah! Ommo! It's positive!"
Nagtatalon sa tuwa sila at agad akong niyakap. Napangiti rin ako at pinipigilan ang sarili kong maluha.
“Congrats."
Napaiyak ako ng yakapin ako ni Stella ng mahigpit. Hindi ko alam pero masyado ata akong OA o ank. Siguro dahil buntis ako.
Napangiti ako. Marinig ko pa lang na may laman ng bata sa tiyan ko, hindi ko mapigilang hindi matuwa. Napahawak ako dito.
“Oy! Huwag ka ng umiyak! Sabihin mo na kay Ian! Ayieee!"
“No!" Pagtutol ko sa sinabi nila.
“Ha? Bakit naman?" Napanguso ako.
“Basta. Ako na magsasabi sa kanya. Huwag niyo akong pangunahan."
In our wedding. Sasabihin ko sa kanya. Malamang ay matutuwa iyon. Napatigil ako sa pag-iisip ko nang mag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito tiningnan kung ano iyon.
“Ian Cole Myer spotted at the bar with girls."
Napakunot ako ng noo at tiningnan ang picture na iyon. It was Ian whom dancing with girls. Nag-init agad ang ulo ko sa nakita. What the hell?!
“Uh-oh.. Patay.."
Tiningnan ko si Margaux ng nagsalita.
--
Nandito ako ngayon sa sala at hinihintay si Ian na makauwi. Yeah, I texted him na pumunta siya dito sa condo. Not because I want to see him. Because I want to punch him really hard.
Tumunog ang pintuan, senyales na may pumasok. Padabog kong kinuha 'yung vase na hawak ko at agad hinagis kay Ian. Umalingawngaw agad ang pagkabasag nito.
“What the hell, Jamie?!" Nanlalaki ang mata ni Ian. Inirapan ko siya. Pasalamat siya at nakaiwas siya.
“What the hell too, Ian?" I sarcastically said. Kumunot ang noo nito.
“Ano bang problema mo? Paano kung natamaan ako noon?" Naiinis na taong nito.
Tiningnan ko siya ng masama at humalukipkip. Siya pa talaga ang may ganang maiinis! Samantalang siya naman talaga ang may kasalanan.
“Wala akong paki! Lumayas ka dito! Ayaw na kitang makita!" Padabog akong dumiretso sa kwarto at pumasok sa walk-in closet.
“Jamie! I'm not done, okay? Alam mo bang muntik na akong matamaan?" Hinawakan niya ako sa braso.
YOU ARE READING
Secret Love
RomanceLoving him is like a toxic. Nakakasama sa kalusugan. Mahal ko siya, oo. I know na sumusobra na ako. But I don't want to hurt my childhood best friend. Am I that selfish? Hindi ko siya kayang ipaglaban. So, instead of loving him in a vulgar way, why...