Chapter 34: Deja Vu

1.2K 29 0
                                    


Ilang taon na ba? Ilang taon na ba ang nakalipas? Napabuntong hininga ako at napatingin sa kalangitan.

“Hey, Jamie, are you ready?" Napatingin ako sa kanya. Pinatungan niya ako ng jacket na sa suot niya.

“Thanks." I said.

“So?" I sighed again.

“I don't know.. Maybe?" He nodded at saka ako inakbayan. Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya.

“Sa tingin mo ba kakayanin ko?" I asked him.

“Oo naman. Ikaw pa. Kung nakaya mo nga noon, ngayon pa kaya? Don't worry, I can be your knight in shining armour when he hurt you again." Hindi ako nagsalita at nanatiling tahimik. Kakayanin ko nga ba talaga? Kakayanin ko bang harapin ang bangungot ng nakaraan?

“Thank you. Thank you sa lahat." Napapikit ako. Hindi ko naman siguro siya makikita.

Unti-unti ay hinihitak ako ng antok.

“He hurt you once, Jamie. Once is enough, twice will never happen until I am still kicking." 

--

“Good! Very good! Break time muna!" Napairap ako ng sumigaw na naman itong bakla na 'to.

“Ang panget mo, bro." Inirapan ko si Tanner.

“Tss. Mas panget ka."

“Luh! Magkamukha lang kaya tayo! Paano ba 'yan, panget ka rin." Nakangising saad nito.

Hindi ko na ito pinansin at naglakad na palabas.

“Hoy! Saan ka pupunta?" Humabol ito at inakbayan pa ako. Agad kong tinanggal ang braso niya.

“Aalis."

“Hala! Hindi pa tapos ang shoot, bro!"

“I don't care. Ikaw muna ang pumalit."

Pinindot ko na ang elavator. Ilang segundo lang ay nagbukas na ito.

“Uy! Ian naman." Hindi ko siya pinansin at pinagsarduhan ng elevator.

Hindi na ito nakapalag. Napahilid na lang sa elevator. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang mga pictures niya. 'Yung iba ay nakaprivate, at puro picture lang ito kasama ng iba. Nangunot ang noo ko ng makita kong may kasama siyang lalaki.

Iki-click ko na sana ang nakatag ng may biglang tumawag. Tss.

“What?" Bungad ko dito.

(“Cole! Nasaan ka na naman? Huwag mong sabihin na ipapalit mo na naman ang kakambal mo? Nako, Cole! Sumusobra ka na!") She said. Hindi ako nagsalita.

(“Huwag mong sabihin na tungkol na naman 'to sa ex mo? Cole! Bakit hindi ka pa maka-move on? Ano bang pinakain ng bruhildang 'yon?!") Nag-init agad ang ulo ko sa sinabi niya.

“Do not call her that name. Wala kang karapatan na mangielam sa buhay ko. You are just my manager." Agad kong binaba ang tawag, sakto naman na bumukas ang elevator.

Dumiretso na ako papasok sa sasakyan ko. Pinandar ko ang makina at agad na pinaharurot.

--

“Oh, ang tawag diyan taxi, tapos eto naman daanan--aray! Bakit ka naman ng hahampas? Ma, si Bilog hinampas ako sa--aray! Masakit na Jamie!" Inirapan ko siya.

“Tss. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang tawag sa mga 'yan?" Masyado kasing magaso. Pinagtitinginan na kami ng ibang tao.

“E, sabi mo bago tayo umalis dito sa Pilipinas, kakalimutan mo na lahat." Hindi ko na lang siya pinansin. Because if I will talk to this guy over and over again, walang patutunguhan.

Secret LoveWhere stories live. Discover now