Kinakabahan ako. One word to describe my feelings right now. Nandito lang naman kasi ako sa condo ng manyak. Hindi ko naman kasi alam na seseryosohin niya nga ang sinabi niya.Nakakainis lang kasi hindi man lang ako nagprotesta. Hay.. Puso nga naman.
“Jamie, gusto mo tulungan na kita?" Tanong ni Ian.
Nilingon ko siya ng masama ang tingin.
“The last time you cooked, nasira ang kusina ko, Ian. So, please, tigil-tigilan mo ang pangungulit." I said, at nilapag ang niluto kong adobo.
Ngumuso siya at nagsalita ng kung ano-ano. Napailing na lang ako at nagsalin ng tubig at uminom.
“E, ano naman kung hindi ako magaling magluto? At least sa kama master ko." Napabuga ako ng tubig sa sinabi niya. Damn! Walang preno ang bibig.
“Damn it, Jamie! Bakit mo binuga 'yung tubig sa mukha ko?" Inis na tanong niya sa akin at pinunasan ang mukha.
“Ikaw kasi, e! May nalalaman ka pang master sa kama! Puro talaga kabastusan ang nalalaman mo!" Inis naman na singhal ko.
“Ha! Nakakainis! Pwede naman sa ibang gawi. Sa gwapong mukha ko pa talaga."
“Ha-ha. Hindi nakakatawang biro, Ian." I rolled my eyes to him.
“I'm not joking, okay? Galit ako, 'di ba?" He said, pointing his self.
Natawa na lang ako ng mahina at napailing. Ngumuso siya at umirap.
“Kumain na tayo. Kailangan ko ng bumalik sa school mamaya. Susunduin ako ni Dale." I said, at saka siya pinagsandukan.
Nakita ko ang pagkunot niya ng noo at pagbuntong hininga.
“Pwede bang ako na lang mag-uwi sa 'yo?" He asked. Napahinto ako at inilapag ang kanin.
“Ian, alam mo naman na." Hindi ko maituloy 'yung sasabihin ko. Alam kong masasaktan siya.
“At saka isa pa.. Bakit hindi mo na lang i-date si Cleya. Tutal naman girlfriend mo siya, 'di ba?" I sarcastically said ng maalala ko 'yung sa party.
Kaasar. Talagang pinatulan niya 'yung bitch na 'yon?
“Who's Cleya?" Kunot noong tanong niya. Napairap ako.
Kunwari pang nakalimutan. If I know sarap na sarap siya kapag naghahalikan sila. Hell! Nai-imagine ko pa lang, nasusuka na ako.
“Stop denying it, Ian."
YOU ARE READING
Secret Love
RomanceLoving him is like a toxic. Nakakasama sa kalusugan. Mahal ko siya, oo. I know na sumusobra na ako. But I don't want to hurt my childhood best friend. Am I that selfish? Hindi ko siya kayang ipaglaban. So, instead of loving him in a vulgar way, why...