“Jamie.." Napatingin ako sa nagsalita. Si Dale. Napalunok ako at pilit na ngumiti sa kaniya.“Hey, Dale.." Kinakabahan man ay lumapit ako sa kaniya.
“Let's go. Let's talk about us." Tumango ako at naglakad na palapit sa kaniya. He held my hand tightly.
“A-Anong pag-uusapan natin?" I nervously asked.
Feeling ko kaylan man ay mapapaupo ako sa kaba. Nanlalambot na ang tuhod ko. Hinapit ni Dale 'yung baywang ko.
“Hey, you look pale? Are you okay?" He asked. I immediately nodded.
“I'm just tired.." I said, forcing a smile.
“Okay. If you say so."
Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Agad akong pumasok at umupo. Sinarado niya ang pintuan at umikot para makapasok na rin.
“Are you sure are you okay?" Tumango ako.
“I'm okay. I think I just need sleep." Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. I can't stand looking at his intimidating eyes. Pinikit ko na lang ang mga mata ko.
“Okay. Just sleep."
I felt his lips on my cheek.
“I love you, Suzanne."
--
Napabalikwas ako ng bangon. Shit! Anong oras na?! Am I late?
“You're awake. Good morning, Suz." Napatingin ako sa nagsalita. Si Dale. Napaiwas ako ng tingin ng makitang tanging boxer lang ang suot niya. As in what the hell? Halata 'yung umbok niya.
“G-Good morning. Bakit hindi mo na nga pala ako ginising?"
“I called your name many timee, but you're not waking up." Lumapit siya sa akin, dala-dala ang isang tray.
“S-Sorry. Pagod lang talaga ako." I said, which is not true. Nagising ako ng binuhat niya ako paakyat sa condo ko. Nagkunwari lang talaga akong tulog n'on. Natatakot ako na baka kung ano ang pag-usapan namin.
“It's okay. Let's eat."
Tumango ako at dumiretso muna sa banyo para maligo. Mabilis ko lang ginawa ang dapat gawin, when I remember something. Damn! I forgot my clothes.
Sumungaw ako sa pintuan at nakahinga ng maluwag ng makita kong wala d'on si Dale. Naglakad ako papunta sa walk in closet ko at kumuha ng damit. Napatalon ako sa gulat ng bumukas 'yung pintuan.
“Oh.. I'm sorry. I thought." Napaiwas ng tingin si Dale at napakamot ng ulo. Nakasuot na rin siyang damit niya.
“It's okay. Hintayin mo na lang ako sa dining room." Mabilis ako naglakad papasok sa banyo. Agad ko itong ni-lock ang pintuan at mabilis na nagbihis.
Inayos ko muna ang sarili ko at lumabas na. Hindi ko na nakita si Dale. Malamang ay nasa dining room na. Naglakad na ako papunta doon. Nakita ko agad si Dale na nakabusangot. Napangiti ako. Ang cute pa rin niya. Nang mamataan niya ako ay ngumiti siya at lumapit sa akin. He kissed me in my temple.
“You're always beautiful." He smirked. Inirapan ko siya at umupo na sa hinitak niyang upuan.
“Ahm.. Ano nga pala 'yung pag-uusapan natin?" I asked him. Ngumiti siya at sinalinan ako ng kanin.
“Later." He said. Napatango na lang ako at sinalinan din siya ng pagkain.
Tahimik kaming kumakain. Kinakabahan pa rin ako. Sana hindi niya alam. Hindi pa ako handa. Natapos kaming kumain. Umubo ako ng mahina para umpisahan ang pag-uusap.
YOU ARE READING
Secret Love
RomanceLoving him is like a toxic. Nakakasama sa kalusugan. Mahal ko siya, oo. I know na sumusobra na ako. But I don't want to hurt my childhood best friend. Am I that selfish? Hindi ko siya kayang ipaglaban. So, instead of loving him in a vulgar way, why...