Chapter 32: Blood

1.2K 31 0
                                    


Agad akong nagising ng makaramdam ako ng uhaw. Tumayo ako sa kinahihigaan ko at lalabas na sana ng kwarto ng mapansin ko si Dale. Nakahiga siya sa couch at pilit pinagkakasya ang sarili. Napabuntong hininga ako at lumapit dito. Parang nawala ang uhaw ko dahil sa nakita ko. Naawa ako kay Dale. Lalo na kapag nalaman niya ang lahat.

Umupo ako sa tapat niya. He's innocent face. Nanggilid ang luha ko at napaiwas ng tingin. Gusto kong umiyak dahil hindi ko siya kayang mahalin. Sana siya na lang talaga.

“I'm sorry, Dale.. I love you.." Hinalikan ko ang noo niya kasabay ng pagpatak ng luha ko.

Agad kong pinunasan ang parteng nabasa ng luha sa mukha ni Dale.

“Dale, wake up." Gising ko dito.

Nakita ko ang pagkunot niya ng noo at unti-unting pagmulat ng mata. Kita sa mata niya ang pagod.

“Bakit gising ka pa? Matulog ka na." He said. Ipinatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko.

“Doon ka na sa kama. Tabi na tayo. Hindi ka makakatulog ng maayos diyan."

Hindi naman na siya nagreklamo at sumunod na. Humiga na siya sa kama katabi ko. He encircled his arms around my waist.

“Sweet dreams." He said. Hindi na ako nakagalaw. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang mabibigat niyang hininga, senyales na nakatulog na siya.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakapulupot sa baywang ko at napapikit. Pipilitin ko Dale. Pipilitin kong kalimutan siya para sa'yo.

--

Ian's P.O.V.

“Gago! Ano bang nangyayari sa'yo?! Ano bang problema mo?!" Inis na sigaw sa akin ni Tanner pagkatapos akong suntukin.

Sa inis ko ay dinakma ko siya sa kwelyo at sinuntok. Hindi ko siya binitawan at tiningnan ng masama.

“Putangna! Problema?! Si Jamie! Fuckshit! Wala na kami! Iniwan ko siya! Mahal na mahal ko 'yon." Tinulak ko siya at napaupo sa sahig.

“Mahal na mahal ko siya.." Ipinikit ko ang mga mata ko at napasandal sa upuan.

“Gago ka pala! Bakit mo ba kasi iniwan? Shit lang! Kailanan pa akong suntukin!"

“Tss. Gago! Sinuntok mo rin ako!" Inis na saad ko dito.

“Bobo! Ang gago mo kasi! Alam mo bang nag-aalala na sila Mama sa'yo?! Hindi ka na nga kumakain tapos kapag lalabas ka pa ng kwarto alak lang kukunin mo! Gago ka ba talaga? Kung gusto mo ng mamatay, tumalon ka sa building! Hindi 'yung mag-aaksaya ka pa ng alak! Nakakatangina! Mahal mo pero iniwan-iwan mo! Pashnea, Bro!"

Uminom muna ako ng alak bago siya sagutin.

“Bakit ikaw? Mahal mo pero pinakawalan mo rin." Natahimik naman siya at kinuha ang alak na hawak ko at tinungga.

“Kaya ko siya pinakawalan para sumaya siya. Para hindi na siya mahirapan. I love her, but if the world against us, I can't do anything about it."

Nabalot ng katahimikan ang kwarto ko. Tama siya. Magkakambal nga kami. 'Yung babaeng mga mahal namin, pinakawalan namin. Tapos ngyong huli na saka magsisisi. Bakit ba kasi ang daya ng tadhana?

“Si Jamie, mahal ko rin siya. Pero anong magagawa ko? Kasal nga kami iba naman ang kasama niya."

“Damn! What?! Kasal? Bro! Ibang level na 'yan!"

Napangiwi ako ng hampasi niya ako sa braso. Tiningnan ko siya ng masama. Kainis! Bakit ba kasi kamukha ko 'tong ugok na 'to? Hindi hamak namannmas gwapo ako dito.

Secret LoveWhere stories live. Discover now