Chapter 40: Protection

1.7K 33 0
                                    


Isang buwan na rin ang nakalipas. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Napangiti ako at umikot pa para makita ang buo kong repleksyon. Biglang bumukas ang pintuan kaya napatingin ako doon. Nakangiti siyang lumapit sa akin.

"You're so beautiful." Nilingkis niya ang braso niya sa baywang ko.

"Is it fine?" Nakangusong tanong ko.

"Of course, it is. Hmm.."

I felt his lips on my forehead. Napapikit ako at nanatili lamang kami ng ganoong posisyon.

"Kuya Ian, okay lang ba 'yung damit?"

Napatingin kami sa kakapasok lang na si Barbie. Kumalas sa yakap si Ian at saka inakbyan ako.

"Yup. I will send my pay on your account later." He said.

"It's okay, Kuya. Kahit huwag na. Basta imbitado ako, ah?"

"Of course, Barbie. I will send the invitation to you later. Make sure na makaka-attend si Tori. Gusto kong makita 'yung kakambal mo." Nakangiti kong saad dito.

"Ommo! I'm so excited na talaga, Ate. I didn't expect na maitatali pa si Kuya Ian. Akala ko forever playboy na siya. Geez." Napangiti ako at tiningnan si Ian na nakanguso. Cute!

Pinisil ko ang ilong nito kaya napatingin siya sa akin.

"It won't happen, Barbie. Matagal na kaming kasal. Its just a secret wedding." Namilog ang mata nito at kasabay ang matinis na tili.

"Ommo! Ate! Talaga? Seriously? Oh M! I will tell it to Tori. Gosh!" Tatakbo itong lumabas sa kwarto.

Nginisian ko si Ian na ngayon ay nakasimangot na. Napakagat ako ng labi at pinipigilang matawa.

"Buti hindi nagkaka-AIDS, 'no? You are so playboy." Irap ko at nag-iwas ng tingin.

"Of course. Pinapacheck ko muna sa doctor lahat ng kinakama ko. Baka kasi mahawaan ako. Hindi katulad ni Axel, he's so careless. Kaya kahit bakla, pinapatulan." Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"So, pinaghinalaan mo pala ako na may AIDS, ganoon?"

"No, Jamie, its not tha--"

"Tss. Don't touch me! Asshole!" Inis akong naglakad palayo sa kanya.

Kahit mabigat ang gown na suot ko ay pumasok ako sa dressing room at agad ni-lock ito.

"Jamie! Hey.. I'm sorry." Kumatok ito ngunit hindi ko pinansin.

Kahit nahihirapan tanggaling ang gown ay pinilit ko pa rin. Hindi ko alam pero kasi nainis ako bigla sa sinabi niya. Ibig sabihin pala pinaghinalaan niya akong may AIDS? Nakakaasar! Si Axel lang naman kasi ang may AIDS!

Nang natanggal ko na ang zipper ay naghulog agad ang gown susuotin ko. Ito kasi 'yung gown na susuotin ko sa reception. Naasar nga ako kasi surprise raw 'yung isusuot ko sa kasal namin. Hindi raw kasi matutuloy kapag sinukat ko.

"Jamie naman... Sorry na."

Kinuha ko ang damit na suot ko kanina at mabilis na nagsuot. Pinulot ko ang gown at binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin ang pagmumukha ni Ian.

"Jamie.." Hindi ko siya pinansin at naglakad palabas ng kwarto na iyon.

"Hey, I'm sorry, okay? I didn't intend to hurt you." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Ate, anong problema?" Lumitaw si Barbie sa harap ko.

Lumapit ako dito at nginitian. Masyado siyang mabait para mapagbuntonan ko ng galit.

Secret LoveWhere stories live. Discover now