I plastered a smile before I stormed out to that room. I saw it. I saw how he kissed that boy. I never thought that these would really hurt me.Karma? Oo, siguro. Sa mga ginawa ko sa kaniya. Senti na kung senti.
Napabuntong hininga ako at naglakad papunta sa elevator. I click the button and waited for it to come up. Nang bumukas na ito ay agad akong pumasok at pinindot ang first floor. Nang nasa first floor na ako ay lumabas na ako at agad sumakay sa kotse ko.
I need alcohol.
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko at pinarada ito ng nasa bar na ako. Pumasok ako at agad umupo sa bar counter.
“Sir, what do you want?" Tanong ng lalaki sa akin.
“'Yung malakas ang tama. 'Yung tipong makakalimutan ko 'yung nangyari ngayon." I said.
“Copy, Sir." The boy smiled at me, at nagsimula ng kumilos.
“Here's your order, Sir."
Kinuha ko ito at agad na tinungga. Parang napakainit na likido ang ininom ko dahil ramdam ko ang pag-init ng lalamunan ko. Napapikit ako at binaba ang baso ko.
“Isa pa, please." Sabi ko.
Mabilis lumipas ang oras at hindi ko na alam kung nakakailang inom ko. Napadukdok ako sa counter at napapikit. Fuck! My heard hurts damn much! Idagdag mo pa 'tong puso ko.
“Sir, magsasarado na po kami." Inangat ko ang ulo ko para masalubong ang tingin ng isa lalaki. Waiter.
“S-Sorry. Eto na 'yung bayad." Iniabot ko 'yung perang nasa wallet ko at lumabas na.
Huminto ako sa paglalakad ng nasa tapat na kaming kotse ko. Napasandal ako doon.
“Jamie! Fuck! Mahal kita! Ang tanga tanga ko kasi pinakawalan pa kita! Bullshit lang!"
Bakla man kung sabihin niyo. Oo, naiiyak na ako. I took out my phone at dinial ang number niya.
(“Ian?") Her angelic voice.
“Jamie.. Bakit gan'on? Bakit ako pa 'yung kailangang masaktan? Karma ba 'to? Dahil kung oo, sobra na! Mahal kita, Jamie! Alam mo 'yan.. But, why? Why do you have to do this to me? Tanggap ko namang talo ako, e. Pero, bakit gan'on? Bakit kailangang kunin mo pa 'yung puso ko? Ang selfish mo naman! Na sa'yo na nga 'yung puso ng gagong 'yon. Bakit 'yung sa akin kailangan mo pang kunin? Argh. Don't mind me, Jamie. I'm sorry. Lasing lang talaga ako. Kusa kong binigay ang puso ko sa 'yo. Hindi mo kasalanan kung bakit ako nagkaganito. Forget about it, Jamie. Forget what happened today."
Tahimik. Tahimik ang nasa kabilang linya. Hinihintay ko ang sagot niya, pero wala. Instead, naputol ang linya.
--
My mind were to occupied. Sariwa pa rin ang mga nangyari. Three weeks passed. Naka-recover na rin si Dale sa aksidente. Nakakalakad na siya kaya wala ng problema.
But, someone. I miss someone. Huling kita ko sa kaniya ay noon pa. Huling rinig ko sa boses niya ay nang tumawag siya.
Ian.
“Suz, are you listening?"
Nabalik ako sa diwa ng magsalita si Dale. Napakurap pa ako ng mata bago pilit na ngumiti sa kaniya.
“Of course, yes. Ano nga ba 'yung sinasabi mo?" I asked him. He suddenly pouted.
“I said, gusto mo bang palitan na natin ang design ng kitchen mo? Masyadong dark." Sabi niya. Kumunot ang noo ko.
“No!" I hissed.
“Hey.. I'm sorry naman, Suz." Yumakap siya mula sa likod at ipinatong ang baba niya sa balikat ko.
YOU ARE READING
Secret Love
RomanceLoving him is like a toxic. Nakakasama sa kalusugan. Mahal ko siya, oo. I know na sumusobra na ako. But I don't want to hurt my childhood best friend. Am I that selfish? Hindi ko siya kayang ipaglaban. So, instead of loving him in a vulgar way, why...