Chapter 25: Pregnant

1.7K 27 0
                                    


Am I that selfish? Mahal ko si Ian kaya ko siya pinakasalan. Alam kong masyadong padalos-dalos ang desisyon ko. I'm stupid for making this things worst.

"Hey, Suz! Nakatulala? Miss mo na si Dale, 'no?" Pang-aasar sa akin ni Tin. Agad ko siyang inirapan at nag-iwas ng tingin.

Kung alam niyo lang..

"Alam mo Suz, bar na lang tayo. 'Yung mabuhayan man lang 'yang mukha mo. Mukhang pinagsakluban ng langit at lupa."

Napabuntong hininga ako. Masyado akong nagpadalos-dalos sa desisyon ko. And now, hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung bakit ba kasi ang tanga ko.

"Argh! Alam niyo! Magsama nga kayong dalawang magpinsan! Mas pagtyatyagaan ko pang makausap si Margaux kaysa sa inyo! My gosh! Ang beauty ko!"

Tinanaw ko lang si Tin ng naglakad siya palabas ng condo ko. Napapikit ako at napahilot ng sentido ko.

"Stella, anong gusto mong kainin?" Tanong ko sa pinsan ko.

Isa pa 'tong babaeng 'to. May problema rin ata. Sumabay pa sa akin. Napatingin siya sa akin at napabuntong hininga.

"Kape na lang. Matapang, 'yung kaya akong ipaglaban. Hindi katulad ng lalaking 'yon." Kinunotan ko siya ng noo at tinaasan ng lalaki.

"Sino namang lalaki?" I asked her.

"Edi sino pa ba? Si Axel--"

"Wait, what? Axel? You mean kaibigan ni Ian?" Nanlaki ang mata niya sa tinanong ko at agad napaiwas ng tingin.

"Stella, nagkabalikan na ba kayo ni Axel?" Tanong ko sa kanya.

Napayuko siya at natahimik. Shit! Ano bang ginawa ni Axel dito?! Argh! Kapag nalaman ko lang talagang--

Napatingin agad ako kay Stella ng marinig ko siyang humagulhol. Agad siyang tumingin sa aki at nakita ko ang pagtulo ng luha niya. Bullshit! Ano bang ginawa ng may AIDS na 'yon?

"Bitch! I-I'm pregnant.." My jaw dropped of what she said. As in literally. What the hell?

"W-Why? What?!" Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang braso.

"You are what? Pregnant?! Stella! Don't tell me si Axel ang ama niyang dinadala mo." Hindi makapaniwalang saad ko. Napatango siya.

Agad akong napatakip sa bibig ko.

"Oh my gosh. 'Yung AIDS na 'yon. He need to know this."

"No! Hindi mo sasabihin sa kanya. Please? Jamie Suzanne? I'm begging.. He don't deserve my baby. He don't deserve us.."

Napabuntong hininga ako at niyakap siya. Nakakainis lang. Ano bang ginawa ng Axel na 'yon at pinaiyak si Stella? At saka isa pa, anong 'he don't deserve to know'. Ano na naman bang nangyayari?

Secret LoveWhere stories live. Discover now