Prologue

21 5 0
                                    

"Guys, nakahingi na ako ng tulong! Paparating na ang mga pulis! Makakaalis na tayo sa impyernong 'to!" Takot na takot na sambit ni Darcy habang hawak-hawak ang cellphone na puno ng dugo, marahil ay nabahiran ng dugo mula sa kanyang napakalaking sugat sa ulo na tinamo.

Lumapit si Dallas sa duguang si Santi at pilit itong pinapanatiling gising. Namumutla, nawawala na ang kulay sa mga labi ni Santi at malapit na itong mawalan ng malay, animo'y naghihingalo na.

Kalahating oras na ang lumipas pero wala paring dumadating para tulungan sila.

"Darcy, sigurado ka bang may dadating para tulungan tayo?" Tanong ni Lucy habang iyak ng iyak at pinapakalma ang sarili.

"Sigurado ako. Yun ang sinabi sa'kin! Papunta na raw sila dito! Hintayin na lang natin kasi baka malapit na sila." Tarantang sabi ni Darcy sa kanyang kasamahan.

Tatlong minuto pa ang lumipas at nakakita sila ng ilaw mula sa malayo. Galing ito sa isang sasakyan na paparating.

"Ayan na sila! Ayan na! Tutulungan na nila tayo!"

Kumakaway kaway sila at tumatalon talon para mapansin sia ng mga taong paparating.

Nang huminto sa tapat nila ang kotse, agad na lumapit doon si Dallas upang ipaalam sakanila ang nangyari.

Sasalubungin na dapat ni Dallas ang mga ito ngunit bumukas ang pinto ay bumaba ang isang lalaking may edad nang naglabas ito ng baril at pinaputakan ang kawawang binata.

"NO! DALLAS!"

*****************************************

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, and events are product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, is purely concidental.

Do not distribute without the author's permission.

VesanusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon