Rose' POV
ihinatid na nya ako sa amin. ano pa bang ineexpect ko? mag dadate kami? EW. tssss.
*FF*
tuesday
kakagising ko lang. tiningnan ko yung orasan sa tabi ng kama ko. 5:30 pa lang -____-
tiningnan ko yung phone ko. 7 missed calls? hala. tiningnan ko kung sino. si vincent?! nabuhay naman yung kaluluwa ko!
kailan ko ba huling nahawakan ang phone ko??
isip
isip
isip
nung kinaladkad ako ni patrick kahapon. tama. kahapon pa. busy din kasi ako sa mga assignments. halAaaaa. tatawagan ko ba sya? baka tulog pa. mamaya na nga lang sa school
*school*
pagpasok ko ng main gate, halos lahat ng estudyante, staff, janitor pati mga teacher nakatingin sakin.
may dumi ba ako sa mukha? may tagos ba ako? wala naman ako ngayon eh. may kulangot ba ako. wala naman siguro. may tuyo ba akong laway? *kapa kapa* wala din. ah! alam ko na. baka basa kili kili ko. hinawakan ko. hindi naman. bakit ba sakin sila nakatingin?!
pinabayaan ko na lang. nasa tapat na ako ng pinto ng room namin.ang ingay nila. pakinig dito sa labas eh. binuksan ko yung pinto
O________O - itsura nila except kay jennica, sherwin at si vincent na nakatingin lang sa sahig
problema nila?!
naglakad ako papunta sa upuan ko.
para akong prinsesa -____- nahahawi ng todo yung dadaanan ko. ano ba kasing meron?!
pinagtitripan ba nila ako?!
pagkaupo ko. hindi man lang tumingin sakin si vincent . seryoso lang sya awww :(
lumapit naman agad si jen at sherwin
"pinagtitripan ba nila ako??" bulong ko sa kanila. yung upuan namin naka form ng circle. si vincent hindi kasali kasi seryoso nga
"ay nako itey! your so populicious na! do you know ba na uber trending na kayo na ni papa patrick! nakooo! hindi makeri ng beauty ko ang news clash ngayon!" sabi ni sherwin na parang nagpupunas ng pawis.
"tama sya rose, haha. parang fairytale lang! kumbaga itong school na toh ay kaharian nyo. hari si patrick, tapos ikaw ang kanyang reyna. lahat sila alipin ni patrick. lahat ng iuutus nya susundin ng mga alipin. so romantic *o* " sabi ni jen. problema nito?! romantic?! eww!
"napapano na ba kayo? kaya ba halos lahat ay nakatingin sakin at tila iniiwasan ako??" tanong ko sa kanila
"oo!" sagot nila.
kaya pala! yun ba ang dahilan kung bakit tahimik si vincent? nagseselos kaya sya?
wag kang feeling rose!
"seryoso kayo? buong campus alam na kami ni patrick?" tanong ko
"oo nga! kulit nareeyy! kaya nga ganyan si vincent eh! nagseselos yan!" sabi ni sherwin. si jen tatango tango lang
"nagseselos?" tanong ko
"oo. halata namang may gusto sya sayo eh. sweet nya kaya! sweet syang gangster!" sabi ni jen
"gangster sya?!" bulong pero pasigaw kong tanong
"oo. wag mo sasabihin na ako may sabi ah" sagot ni jen
![](https://img.wattpad.com/cover/11134954-288-k188761.jpg)
BINABASA MO ANG
Saved by a Gangster
Dla nastolatkówMeet Rose, isang babaeng namumuhay ng kanya, inosente, jolly and sometimes childlish but has the sweetest attitude. Paano kung ang landas ng isang inosente at isang gangster ay magtagpo ng dahil sa arranged marriage na yan? Magtagal kaya? Paano kung...