an: May lalaki bang nagbabasa ng SBAG? comment or pm. gusto ko lang malaman. hihihi. dun sa mga bitin sa previous chapter. eto naaaa. ♥
─────────────────────
Rose' POV
napatakbo ako sa gitna kase nagkumpulan ang mga babae
"patrick?"
"patrick!"
"PATPAT!"
isinisigaw ko ang pangalan niya pero ang dami ding sumisigaw. leche
pilit akong sumisiksik . pero wala. talagang nagsisiksikan sila para makita si patrick. kung kailan malapit na akong makasiksik ay saka may magtutulak sakin at aapakan ang paa ko. nakakainis na ah!
"HOY! TUMABI NGA KAYO! AKO YUNG GIRLFRIEND PERO HINDI AKO MAKADAAN! AISH!" nanahimik sila. pero nagsiksikan muli at hindi ako pinansin! nakakasura na eh. pero hindi ako sumuko. sumiksik ako. pero this time, napalakas yung tulak nila kaya natumba ako
"AHH!" napatama yung likod ko. napatingin sila sakin dahil umalingawngaw yung sigaw ko sa buong court
nakita kong tumatakbo papalapit sakin si vince. yung nagkukumpulang babae ay biglang nahawi
tinulungan ako ni vince na makatayo. sakit ng likod ko ahh!
kaya pala nahawi ang daan. dumaan si patrick habang nakaakbay siya kay andrew. kasunod nito sina sherwin
"ok ka lang rose?" tanong ni vince. tumango na lamang ako.
"what happened to you?" tanong ni patrick.
nainis ako kasi may babaeng kumapit sa bisig niya. mukhang mas matanda siya kay patrick. at naka cap pa ha. natakluban tuloy ang mukha niya. ayaw ba niyang ipakita kung sino siya! natatakot ba siya! pwes! magsama sila! ang tanda tanda na niya pero ang landi niya.
"EOBS-EUM! MOS-SAENG-GIN!" (wala! ang pangit mo!) nag walk out ako kahit masakit ang likod ko. grabe. hindi ko alam kung bakit ako naiinis. tsk
kalahati pa lang ng court ang nalalakad ko pero sumigaw si patrick
"ROSE! BUMALIK KA DITO!"
humarap ako sa kanya at pinaningkitan ng mata
"AT BAKIT?!" nakakapit pa rin yung babae sa kanya. ako yung asawa
"IBALIK MO YUNG T SHIRT!" kala ko pa naman ay pababalikin niya ako at ipapahiya niya yung babae. ang feeling ko talaga. dahil sa sinabi niya ay lalo akong nainis
nag walk out na ako.
naglalakad ako papunta sa village.ang layo pala . wala pang laman tong bulsa ko.
mamaya ay may tumigil na kotse sa tabi ko. bumukas yung bintana at bumungad sakin si ivan na nag ddrive at ang pijav ay lahat nasa loob. sa tabi ni ivan nakaupo si patrick.
"rose! ano ba!" iyamot na sabi ni patrick
hindi ko siya pinansin. diretso lamang yung lakad ko. ang pag andar ng kotse ni ivan ay kasabay ng paglalakad ko
ang bagal. -____-
"rose! sumakay ka ng kotse!" hindi ko pa rin siya pinapansin. bahala siya. sumama siya sa fling niya.
"ROSE!"
"ROSE!"
"ROSE! SHIT! ISA!"
"ROSE LEIGH DAWSON!" sa huli niyang sinabi ay alam kong nakangisi siya. bahala siya. binilisan ko ng lakad ko.
sa hindi kalayuan ay may lalaking nakaangkas sa motor ang aking naaninag, parang kilala ko toh.
BINABASA MO ANG
Saved by a Gangster
Roman pour AdolescentsMeet Rose, isang babaeng namumuhay ng kanya, inosente, jolly and sometimes childlish but has the sweetest attitude. Paano kung ang landas ng isang inosente at isang gangster ay magtagpo ng dahil sa arranged marriage na yan? Magtagal kaya? Paano kung...
