Vincent's POV
tang ina. ang sakit. kahapon, halos tadtadin ko ng text at tawag si rose, pero ni isang mensahe wala akong natanggap sa kanya, tsk.
pupunta naman kami nina andrew sa bahay nila, wala daw pasok sabi ni tita e. hindi ko rin alam kung bakit walang pasok
habang nag ddrive kami ay may nakita kaming kotse sa labas ng bahay nina patrick, kay tita lucy toh ah?
ipinarada na namin
"tita!" bati namin sa mama ni patrick
"oow! hi mga puchukoy. what brought you here?" nakangiting saad niya sa amin. sunod sunod kaming pumasok ng bahay.
"wala pong pasok kaya po kami nandito" sabi ni ivan na agad ang diretso ay sa ref. tss
"ahh, tulog pa siguro sina patrick. teka, silipin ko lang ah." naglakad papuntang taas si tita. yung mga paa ko kusang sumunod sa kanya
"ooh! ano nangyare dito?! bakit kaya nasira toh?" nakatingin kami ni tita sa sirang pinto, pumunta si tita sa katapat na kwarto. hindi ko maigalaw ang paa ko
pinasok ba sila ng magnanakaw?! sinugod ba sila ng tarex? shit. kung ano ano na pumasok sa isipan ko
napatingin ako sa pintong bukas. may nagfaflash eh. sumilip ako
parang gusto kong magwala. nakapatong si rose kay patrick
nagtago ako. pinapanuod ko sila. ang himbing ng tulog nila, hanggang sa unti unting nagising si patrick. inilaglag pa niya si rose sa kabilang parte ng kama.
gustong gusto ko siyang sugudin, pero nasa loob si tita. tsk.
lumabas ang mama ni patrick, ang sunod ay si rose. gustong gusto ko siyang lapitan pero wala pa akong lakas ng loob.
pumasok muli siya. lalakad na sana ako pero lumabas uli. napatago na naman ako. natotorpe na
Rose POV
nakakahiya! >,< lalo na sa mommy ni patpat! kinuhanan pa kami ng picture. gusto ko ng kainin ako ng lupa.
buti na lang walang pasok, makakapag kulong ako sa kwarto ko
teka! sira nga pala yung pinto! si patrick kasi! sabagay, kung hindi niya naman sinira ang pinto at ginising ako ay malamang lamang na binangungot na ako.
naligo na ako. pagkaligo ko ay kinuha ko ang cp ko at itetext ko si sherwin kung ano ang mga assignment namin kahapon.
pagkabukas ko ay sobrang daming missed calls at text galing kay vincent.
nanlambot ako. nasasaktan kasi ako kapag naalala ko siya. kase naman rose ! umasa ka sa wala :(
napaupo ako sa sahig at napasandal sa kama ko. kumakalam yung tiyan ko kanina pero nawala na ngayon. tumingala ako kasi ramdam ko na nanunubig na ang mga mata ko
"hindi ka makakalimot kung lagi mo siyang inaalala lalo na yung sa tingin mo ay pang gagago na ginawa niya" napatingin ako sa pinto, nakatayo doon si patrick
may punto siya.
"tsk. bumaba ka na daw, mag aalmusal daw tayo" tumango na lamang ako bilang tugon sa sinabi niya
"tumayo ka na diyan" nagbabanta niyang sabi. syempre, napatayo ako. nakakatakot eh.
nauna siyang maglakad. tinititigan ko ang musculated sexy back niya. hanggang sa pagbaba namin sa hagdan ay tinitigan ko pa rin ang likod niya.
BINABASA MO ANG
Saved by a Gangster
Teen FictionMeet Rose, isang babaeng namumuhay ng kanya, inosente, jolly and sometimes childlish but has the sweetest attitude. Paano kung ang landas ng isang inosente at isang gangster ay magtagpo ng dahil sa arranged marriage na yan? Magtagal kaya? Paano kung...
