Rose' POV
naiinis ako kay patpat. hindi nila pinapasok kahapon si sebastian sa room ko
pati sina jen at sherwin, hindi. pijav lang talaga ang laman ng room ko
nadischarge na nga pala ako kahapon.
bawal akong mastress, bawal akong malungkot,bawal akong kausapin ng pagalit, bawal akong magalit.
"rose," tawag sa akin ni patpat. medyo ok na naman kami
"bakit?" nasa kwarto niya kami. dito na daw muna ako mag stay hanggang sa gumaling na ako.
"wala," kada limang minuto, tatawagin niya ang pangalan ko at titingnan ang buong pangangatawan ko.
"tutulog ako," sabi ko at humiga sa kama niya. may naramdaman akong nakabukol sa likod ko kaya napabangon ako.
"tss," pumikit ako at tinalikuran siya
after 15 minutes ay narinig ko ang mga yabag ng paa niya. hindi ako makatulog. bumukas ang pinto, siguro lumabas na siya
rinig kong umiimik siya, pero mahina. sinong kausap niya?
Patrick's POV
buti natulog si rose. kanina pang vibrate ng vibrate itong phone ko sa bulsa.
gusto ko pa siyang tabihan eh
binantayan ko muna siya ng ilang minuti bago lumabas ng kwarto.
mas gusto ko pang hindi niya malaman na tinatawagan ako ni leila
"hello?" pabulong kong sabi
"bakit ngayon ka lang sumagot?" pataray niyang tanong. naiinis na ako minsan sa kanya
"may ginawa lang. tss,"
"g-galit ka?" paiyak niyang sabi. napabuntong hininga na lang ako at kinalma ang sarili ko
"hindi,"
"really?! that's great! cause I'm standing infront of your house,"
dahan dahan akong tumakbo papuntang labas ng baha.
"fck," pabulong kong sabi. nasa labas nga siya
"bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya
"dinadalaw ko lang ang future husband ko! hihi,"
"go home," sabi ko at tumalikod
"hindi moko papansinin? mag iingay ako dito! falalalala--" tinakpan ko agad ang bibig niya. mahirap na, baka magising si rose. baka lalong lumala ang kondisyon niya
"go home, please" sabi ko. ngumiti siya ng nakakaloko
"ihatid moko,"
"kaya mo na yan,"
"sisigaw na lang--"
"tsss. jan ka lang," tumakbo ako paloob ng bahay at kinuha ang susi
hindi ko na nasilip si rose, tulog yun panigurado
"yie. i love you patrick," sabi niya pagkasakay ng kotse. nangilabot ako. pakiramdam ko masusuka ako sa mga sinabi niya
kung si rose pa. baka---tss. imposible
"wala ka bang isasagot?"
"wala," sabi ko. naiiyamot na ako. kinikulit niya ako habang nag dadrive
BINABASA MO ANG
Saved by a Gangster
Fiksi RemajaMeet Rose, isang babaeng namumuhay ng kanya, inosente, jolly and sometimes childlish but has the sweetest attitude. Paano kung ang landas ng isang inosente at isang gangster ay magtagpo ng dahil sa arranged marriage na yan? Magtagal kaya? Paano kung...