Rose POV
gaya nga ng sabi ni vince, itinuloy ko ang buhay ko.
nabubuhay ako sa mundong malungkot. i feel so blue. sabi nila lakasan ko daw ang loob ko. nilalakasan ko naman eh. sadyang hindi ko lang kayang lakasan ang loob ko kapag wala si patpat
hindi ko alam kung nasaan ang katawan niya. wala akong balak na alamin. baka hilahin ko lamang siya at pagsasampalin. umaasang magigising siya.
sabi ni vince ingatan ko daw ang sarili ko sapagkat nasa akin ang puso ni patpat. sinunod ko naman ang gusto niya.
alam kong guguatuhin rin yon ni patpat.
naka graduate na ako. hindi ko nga rin akalain eh. pasalamat ako sa pijav at sa mga kaibigan ko. todo suporta sila sa akin
pauwi na ako. galing ako sa bahay ni jen. ayaw kong magpahatid.
pagkarating ko ay humiga ako sa sofa. dito pa rin ako nakatira sa bahay namin ni patrick. kasama ko ay ang yaya niya pamula nung bata pa siya. ako naman ngayon ang inaalagaan niya
ayaw ko. pero nagpumilit si tita.
"oh iha, gusto mo bang ipaghanda kita ng makakain ?" ngumiti siya sa akin ng may galak. nakahithit rin toh minsan eh
"hindi na po. pagod na po ako. sige po," nginitian ko siya at dumiretso sa kwarto ko.
dito ko inilalagay ang mga gamit ko. pero sa kwarto ni patpat ako natutulog. hindi ako nakakatulog hangga't hindi ko naamoy ang kwarto niya
humiga ako sa kama niya. nakatitig lamang ako sa kisame. iniimagine na tatabi sa akin si patpat. na babalik siya. ang sakit pa rin.
pinahid ko ang luhang tumutulo. hanggang ngayon umiiyak pa rin ako. mahal ko eh
nakakaramdam ako ng antok. isa, dalawa, tatlo.
nagitla ako ng bumukas ang pinto.
"Patrick?!" usal ko . hindi ako makapaniwala.
nakatayo lang siya.
"shh," ngumiti siya at tumabi sa akin.
parang ang saya. hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
"pa--" tinakpan niya ang bibig ko. bumangon siya at tinitigan ang pangangatawan ko.
dahan dahan siyang lumapit. tinagtag niya ang kamay niya mula sa bibig ko. naamoy ko na ang mabango niyang hininga
"i've missed you," bulong niya.
nakatitig lang siya ng malungkot . bakit siya malungkot?
nagitla ako nang hinalikan niya ang labi ko. kinikilig ako. ...pero parang may mali.
mabilis lang ang halik pero madiin. para bang may halong sakit. tumulo ang luha niya sa mukha ko. pinahid niya iyon
umalis siya sa ibabaw ko at lumabas ng pinto. isa, dalawa, tatlo.
"HUH!" napabangon ako. sinampal ko ang sarili ko
"panaginip lang pala," hay. akala ko pa naman totoo
hinawakan ko ang labi ko. parang may labi pa rin. totoo kaya? imposible. wala na naman siya at wala ng pag asang maibalik siya
"seems so real,"
humiga ulit ako. bakit mahal na mahal ko si patrick? kung kailan ako umibig, saka may hadlang.
sabi nga nila, walang bagay na magtatagal kung hindi iingatan. wala ring bagay na pang habang buhay
bumangon ako at nagpalit ng damit. hinawakan ko muli ang labi ko. tss. imahinasyon ko na naman.
BINABASA MO ANG
Saved by a Gangster
Fiksi RemajaMeet Rose, isang babaeng namumuhay ng kanya, inosente, jolly and sometimes childlish but has the sweetest attitude. Paano kung ang landas ng isang inosente at isang gangster ay magtagpo ng dahil sa arranged marriage na yan? Magtagal kaya? Paano kung...
