Rose' POV
its been two days since i left him. hindi niya ako nakikita. lagi akong nagtatago. tsaka lagi akong wala sa klase dahil ng training.
sinasabihan ako nina jennica na hinahanap daw ako ni patpat. ngingitian ko na lang sila pag ganun ang topic
hinahanap rin ako ng mga kaibigan niya. sa totoo nga, nakausap ko na si andrew
and yes, hindi niya sinasabi kay patrick kung nasaan ako. naiintindihan niya ang nararamdaman ko.
si best? nag uusap kami. pero hindi sa school.
"tara na?" tanong ni sebastian. oo. siya yung taong tumutulong sa akin upang makalayo ng husto kay patrick
nginitian ko siya at umangkas sa motor bike niya. isinuot niya sa akin ang helmet.
habang nasa byahe kami ay traffic. naka stop light kaya nakatigil kami. may tumigil ding motor sa tabi namin. parang pamilyar eh
tinitigan ko hanggang sa napansin ko ang singsing pati yung plate number . nakahelmet. teka, patrick?!
tinitigan ko ang pangangatawan. si patpat nga.tadhana nga naman.
gusto kong bumaba at yakapin siya. pero hindi dapat
pumaling siya sa akin, napansin sigurong nakatitig ako. ipinaling ko sa kabila ang ulo ko
"rose?!" sigaw niya
3, 2, 1 GO
nag green light na. pinaharurot ni sebastian ang motor
bumubusina si patrick. naguguluhan ako
pinantayan ni patrick si sebastian
"hoy! bagalan mo! pag nahulog si rose, ikaw ang sasagasaan ko!" nagitla si sebastian sa sigaw ni patrick
ayaw niya akong masaktan.
"ayoko!" pinaharurot lalo ni sebastian ang motor pero hindi siya nalampas ng speed limit
"s-sebastian, dahan dahan ga!" sigaw ko
dumaan sa pasikot sikot si sebastian.
akala ko nawala na si patrick, pero nakasunod pala
"itigil mo ang motor!" sigaw ni patrick
nilabasan namin ay highway. habang nagpapaunahan sila ay napansin kong may sumusunod na mga itim na kotse
"hello vince! sinusundan ako ng buntot ni lola! ... dito sa highway malapit sa asdfgh street!" sigaw ni patrick habang may kausap sa phone niya
bagong phone pala
wala pang limang minuto ng nagsulputan ang mga kotse nina ivan, vince, joshua at andrew
walang masyadong sasakyan dito sa highway tsaka 4 lane kaya paunahan sila. hindi ko nagegets ang pangyayari
"kapit ng mahigpit," napayakap ako ng biglang prumeno si sebastian at ibinaling ang motor. nagkagulo gulo ang gitna ng daan.
hinarangan nina ivan ang mga itim na kotse samantalang si patrick ay nakasunod pa rin sa amin pati kotse ni vince
hinahabol nila kami
"sebastian!" sigaw ko. hindi niya ako pinapansin.
pinag gigitnaan kami ng motor ni patpat at kotse ni vince
"sebastian! maiipit tayo!" sigaw ko. papalapit ng papalalit ang dalawang sasakyan na para bang iipitin kami.
humara sa unahan namin ang isang kotseng gray kaya napapreno si sebastian pati ang dalawang sasakyan
BINABASA MO ANG
Saved by a Gangster
Fiksi RemajaMeet Rose, isang babaeng namumuhay ng kanya, inosente, jolly and sometimes childlish but has the sweetest attitude. Paano kung ang landas ng isang inosente at isang gangster ay magtagpo ng dahil sa arranged marriage na yan? Magtagal kaya? Paano kung...
