chapter 34 tampo

13.4K 224 27
                                    

Rose' POV

nandito kami ngayon ni patpat pati ang mama niya sa isang shop ng mga dress.

hindi ko alam na dito kami pupunta kasi biglang dumating kanina ang mommy niya

"oh rose, pili ka na. or idescribe mo na lang kay kumare ang gusto mong design," nakangiting sabi ng mommy ni patpat.

hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya tumango na lang ako. nahihiya ako eh.  naglibot libot ako

marami akong nagugustuhan pero sa tuwing titingnan ko ang presyo ay parang ayaw ko na.

may iniabot sakin si patpat na dress

"isukat mo," makapag utos baga

isinukat ko ang dress. pagkalabas ko ay

"ayoko niyan, hubarin mo" ano daw?!

"sa harap mo?! ano ka?! sinuswerte--"

"sa loob," sabay turo sa loob ng fitting room

k. sabi ko nga. dali dali akong pumasok. pahiya ako dun ah

pagkabihis ko ay may iniabot na naman siyang dress. kuh

"dali," sabi niya.

isinuot ko uli ang dress. pagkalabas ko ay

"umikot ka," utos niya. naningkit ang mata ko  . konting timpi pa rose

umikot ako

"hubarin mo. ayoko niyan," padabog akong pumasok sa fitting room

ipapasuot sakin tapos ayaw naman pala

pagkalabas ko ay

"oh!" may inihagis siya sa akin na dress

"huwag na lang kaya ako umattend ng prom!"

"tsss. isusukat mo Lang!"

"eh kung ikaw kaya sa pwesto ko! ikaw ang pagsukatin ng pagsukatin ng mga damit! nananadya ka na eh!" sigaw ko sa kanya pero parang hindi niya ako naririnig

napatingin ako kay patpat. nakatitig siya sa isang dress.

"alien," tawag niya sa akin.

"ano?"

"isuot mo," tiningnan ko yung iniabot niyang dress

hindi sya mayabong. fitted siya sa katawan kung isusuot

"ala. ayoko,"

"tss. isusuot lang. huwag kang maarte," itinulak niya ako sa fitting room at itinapon ang dress paloob. kinuha niya yung isang dress.  napaka ungentleman

kanina pa akong naiiyamot sa kanya

"oh? bakit hindi mo isinasara ang pinto? gusto mo samahan pa  kita?" nakangisi niyang sabi

naisara ko ng malakas ang pinto. lagi na lang niya akong inaasar

tiningnan ko muna ang presyo. jusko. pero sabi niya isuot ko daw kaya isinuot ko ang dress na ibinigay niya

shet. ang ganda ~T_T~

"hoy alien. isusukat mo lamang yan!" sigaw mula sa labas

"what took you so long!--" napatigil sya. hindi ko alam kung sa akin siya nakatingin o sa likod ko

"bagay ba? sabi na sayong ayaw ko nito. presyo pa lang--"

"tsss. magpalit ka na," itinulak nya ako paloob.

Saved by a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon