chapter 41 higad

11.5K 206 44
                                    

Rose' POV

"kompleto na ba? " tanong ni vince kay patpat.

naglalagay na sila ng mga bagahe sa sasakyan. ayaw nila akong patulungin. psh

magbabakasyon daw kami. pero hindi kami lalabas ng bansa. sa resort daw nina patpat.

para daw makapag relax ako. suggest to ng mama ni patpat. ayaw ko ngang sumama eh. hindi kami ayos ni patpat. bihira lang kaming mag usap

at dahil may sakit 'daw' ako ay sasama ang buong pijav. grabe. only girl ako. psh

"teka. mag b-brief ba kayo pag nag swimming?"tanong ni joshua

"hindi.  pero kung gusto mo ikaw na lang," sabi ni andrew at inilagay ang bag ng mga tracking devices niya.

"sinong mag d-drive?" tanong ni ivan

"ikaw, dahil ikaw ang nagtanong," sabi ni patrick at sumakay na. sumakay na kaming lahat. awkward kasi ang katabi ko ay si patpat

nasa likod ko si vince at andrew

nasa unahan sina ivan at joshua.

nag suot ng earphones si patpat. umipod ako ng konti palayo sa kanya.

"baby, ok ka lang?" tumango ako kay best.  sumandal ako at pumikit

napamulat ako ng may maramdaman ako sa hita ko. tiningnan ko, si patpat nakahiga sa legs ko. buti nakapantalon ako.

sisigawan ko ng napansin kong malalaki ang eyebugs niya. puyat siguro

pinabayaan ko siya. pumikit na lamang ako at natulog.

--

nagising ang diwa ko kasi may naghahagikhikan

"pfft. mukha siyang dog!" parang boses yun ni ivan?

"tss. bahala kayo pag nagising si patty bebs,"

"oy! kadamay ka dito. hindi mo kami pinigilan eh! tumatawa ka pa kanina!"

iminulat ko ang mata ko, sila nga. pinatitripan na namam kami. tiningnan ko ng taong nakahiga sa hita ko

puno ng nakasulat na rose ang mukha niya

"pfft. HAHAHA!" lakas tumawa ni ivan. kaya nagising si patpat

"fck." usal niya sabay bangon mula sa hita ko.

"hindi niyo man lang kami ginising. nandito na pala tayo," sabi ni patpat. iniwan kami.  kaya sumunod ako. rinig kong tinawag niya ako, pero hin  ko siya pinansin

tumakbo ako papunta sa dagat na ubod ng puti

sarap sa pakiramdam ng hangin.  nakita ko silang naghahakot kaya tumakbo ako papunta sa kanila.

kinuha ko ang bag ko. lahat sila naglalakad habang may dala e. tumulong naman ako.

pumasok sila sa isang parang maliit na bahay. hindi yata nila napansin na nasunod ako.

"dito ba?" humarap si ivan kay joshua. sabay tingin sa akin

"SI ROSE!" sigaw niya. napatingin silang lima sa akin. sabay sermon

"ano ba baby!" unang lumapit si vince at kinuha yung malaking bag na dala ko

"it might affect your heart," sabi ni andrew

"baka umiyak si patrick,"nakangising sabi ni joshua

"galit si dads oh! bat kasi nagdala ka." sabi ni ivan

Saved by a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon