Patrick's POV
pinapunta ko ang doctor sa labas ng room ni rose. I would like to talk to him privately.
"are you out of your mind?!" tanong ng doctor sa akin
"yes, yes I am." sagot ko sa kanya
"mrs. dawson would--"
"i dont care. just please," pagmamakaawa ko sa kanya
"no," tanggi niya
"please"
"no," fck this man
"isa sa pamilya mo ang dudukutan ko ng puso kapag hindi mo sinunod ang gusto ko!" galit kong sabi. desperadong desperado na ako
parang ako yung mamamatay kapag nawala si rose. mas sasaya pa ako kung malalaman kong siya ang buhay, kahit huwag na ako, basta buhay at masaya siya.
alam kong magagalit siya kung sakaling malalaman niya ang gagawin ko. ok lang, mahal ko naman siya e.
"fine!" sagot ng doctor sa akin. kinuha na nila ang katawan ni rose at dinala sa operating room
syempre, kailangan kong magsinungaling.
buti natutulog sila nang kuhanin si rose. i wrote a letter saying
may pupuntahan lang ako. baka magtagal ako. baka hindi agad ako makabalik. huwag niyo na ako antayin. bantayan niyo si rose. mahal ko yan kahit alien yan. ingatan niyo siya
-jp
para sa buong pijav yon. ihiniwalay ko ang sulat ko para kay vince, ang taong malapit kay alien
may kinuha ako sa bag ko. lumabas ako ng kwarto ni rose at tumakbo papuntang or.
eto na, ibibigay ko na. ang pagkukulang ko, ang pagkakamali ko, ang pagiging gago ko, sht.
hinubad ko ang mga damit ko at pinaltan ng pang ospital. hawak ko ang bagay na matagal ko ng gustong ibigay kay rose
naghahanda na ang mga doctor. handa na rin ako. baka sila lang ang hindi handa pagkagising nila, lalo na si alien. baka umiyak. siguro baka umiyak siya sa sobrang saya kasi wala ako, buhay siya at malaya.
pinahid ko ang luha ko at humiga sa katabing kama ng kama ni rose. hinawakan ko ang kamay niya
mahal kita, kaya gagawin ko ito. nandiyan si vince, ang taong seryoso sayo, ang taong nagpapasaya sayo tuwing nasasaktan kita, ang bestfriend mo, ang tagapagtanggol mo, ang taong nagmamahal sayo.
samantalang ako, ang taong dahilan ng paghihirap mo. sorry rose. hayaan mo, mawawala rin ako.
naramdaman kong may malamig na nasa daliri niya. tiningnan ko iyon, ang singsing. lumuha muli ako. parang bading
ipinikit ko na ang mga mata ko. parang bumalik ang masasayang ala ala
yung mga oras na sinisigawan ako ni rose. yung mga ngiti niya.
nag slow-mo sa utak ko. napapangiti ako. parang gusto kong ganon na lang kami ni alien. masaya kahit nag aaway. pero sa mga oras na ito, hindi na siya masaya sa akin. nasasaktan siya
'mas sasaya ka pag nawala ako sa tabi mo'
"good news, i have just--" may sasabihin pa sana ang doctor
"i dont need to know that. i'm tired. so please, do whatever your task is," sabi ko. huminga ako ng malalim. masaya ako sa desisyon ko kaya wala silang paki sa kalalabasan nito
![](https://img.wattpad.com/cover/11134954-288-k188761.jpg)
BINABASA MO ANG
Saved by a Gangster
Teen FictionMeet Rose, isang babaeng namumuhay ng kanya, inosente, jolly and sometimes childlish but has the sweetest attitude. Paano kung ang landas ng isang inosente at isang gangster ay magtagpo ng dahil sa arranged marriage na yan? Magtagal kaya? Paano kung...