chapter 30 May kakaiba

14.2K 178 38
                                    

an: yung mga comments niyo. nagtulak sakin para mag ud. lalo na yung mga hindi nakalma. loveyouuu.  haha. denelete ko na po yung 'speech ni author' . hahaha
─────────────────────────

Rose' POV

"PATPAT! IBABA MOKO!" halos mamaos na ako. hindi niya ako pinapansin eh! panigurado pinagtitinginan na kami -___-

"alam ko na! may motel jan. malapit sa--" sabi ni joshua. binatukan siya ni ivan

"mag momotel pa, may bahay sila! tanga ka din minsan eh," sabi ni ivan

"mas tanga ka naman," sagot ni joshua

"tumimo na nga kayo. kala ko ba may ipapakilala ka samin, patrick?" sabi ni andrew. ipapakilala? sino? pinagkukurot ko ang likod ni patrick kaya ibinaba niya ako

"ano ba rose! tss,"

"sino ipapakilala mo?" tanong ko kay patrick. nagtinginan ang mga kaibigan niya.

"wala, tss" naglakad si patpat tapos sumakay siya sa kotse niya. hindi niya ako isasabay? edi wag . galit pa rin ako sa kanya

naglakad na ako. pagkasakay kasi ni patpat sa kotse niya ay sumakay na rin ang mga kaibigan niya

biglang may tumigil na motor sa tabi ko

"oy," tinagtag niya ang helmet niya

"sebastian!"

"solo ka? sabay ka na," nilabas niya ang killer smile niya. hindi effective yan saken

"ha? hindi na," biglang humarang yung kotse ni patpat sa harap ng motor ni sebastian. iniatras ni sebastian ng konti yung motor niya. sobrang lapit ng kotse ni patpat

"alien! sakay!" alien? alien na naman!

"hindi kita kilala!"

"hoy!" tiningnan ko si sebastian na parang nahingi ng tulong. pero nginitian niya lang ako

"sige na, sakay ka na sa sasakyan ng boyfriend mo" tiningnan ko si patrick. ang sama niya tumingin kay sebastian

sasakay ba ako?  sesermonan lang naman ako eh

"rose!" bumaba si patpat para lapitan ako. kaya sumakay agad ako. hahahaha. kinawayan ko na lang si sebastian. umalis na rin siya

pagkasakay ni patpat ay…

"what the fck was that?! diba sabi ko lumayo ka sa kanya? nginitian mo pa siya! nawala lang ako ng tatlong araw parang nangyari na lahat! then this fckn news came up. umamin ka nga! kayo na ba ni vince?!"

tiningnan ko siya. galit siya. ibang galit. nakakatakot siya. yung bagang niya gumagalaw sa galit. yung mga ugat niya sa bisig, naglabasan. nakahawak siya sa manubela, maaring kahit anong oras masira yung manubela

"hindi kami!" hindi naman talaga diba? si best kasi! -____-

"anong hindi?! you two were dating these past three days! may nagpasa sakin ng picture niyong dalawa!"

"patrick! bakit ka ba nagagalit? maaaring may picture nga kaming magkasama, pero kung makitid ang utak mo, iba ang dating nun sayo. makitid ba utak mo?" naghiwalay yung kilay niya.

"hindi!"

"hindi naman pala eh. oh siya tara na. gagawa pa ako ng report," hindi na siya sumagot.

feeling ko ang saya ko pag nagagalit si patpat. :D namiss ko lang siguro.

"patpaaaat," malambing kong tawag sa kanya

Saved by a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon