Rose POV
sumakay ako ng taxi. parang uulan pa. bahala na.
pagkasakay ko ng taxi ay napasma ang kamay ko. bakit?
teka, saan bang bar?
siguro dun sa bar ni andrew
kasi hindi yun babalik sa bar ng pamilya ni sebastian kasi nag away nga sila diba? tama
pagkababa ko ng taxi ay pinagtinginan ako ng ilang tao sa labas ng bar
naka ayos nga pala ako. nilagpasan ko na lamang sila
ano kayang suot ni patpat?
bakit ba siya hindi pumunta?! gustong gusto ko pa naman siyang makasayaw. kahit hindi niya hawakan ang kamay ko. ok lang basta yayain niya lang akong sumayaw
pagkapasok ko ay ang daming tao. sabagay, it's friday night. puro rich kid lamang and nandito
inilibot ko ang paningin ko. wala siya.
nag lakad lakad ako. ang dami talagang tao.
10 minutes na akong nakatayo sa kakahanap kay patpat, pero ni anino niya wala akong makita.
nasa may sulok ako, napatingin ako sa upper deck ng bar. meron palang ganun dito?
umatras ako ng konti para makita kung sino yung nasa taas.
parang nanlambot ang mga tuhod ko. saglit na tumigil ang paghinga ko
si patpat may kasamang babae. inaakbayan niya yung babae. hindi naman siya mukhang lasing.
naiinis ako. naiinis ako kay patpat. naiinis ako sa sarili ko. gusto kong patayin yung kasama niya
umupo ako at kinuha yung malaking baso ng beer sa dumaan na waiter.
lumagok ako ng isa, mapait. pero mas mapait pa yung nakikita ko
ininom ko hanggang sa maubos. hindi ako sanay na nag gaganito ako. first time kumbaga
kumuha uli ako sa dumaang waiter ng malaking baso ng beer.
nalalagok ko ito habang pinapanuod sila
nakakaapat na akong baso. ang sakit na ng lalamunan ko. hindi nga sabi ako sanay
hinalikan ni patpat ang noo nung babae
lumapit pa si patpat sa dj at pinapaltan ang kanta. naging love song
pumunta sila sa gitna. isinasayaw ni patrick ang babae.
ang sakit sa parte ko kasi hindi siya umattend ng prom para lang sa babaeng yun samantalang ako plinantsa ko uli yung isusuot niya kahit alam kong plantsado yun kasi gusto ko magmukha siyang kaaya aya
tapos yung effort ko balewala lang.
may pa 'susunod na lang' pa siyang nalalaman.
halos magkayakap na silang sumayaw
panigurado ang mga mata ko ay sobrang singkit na. tuga pa ang pag iisip ko pero ewan ko lang sa katawan ko
pagewang gewang akong lumapit sa dg
"paltan mo ang kanta... isang sexy na kanta ang ipalit mo ha?" sabay abot ng tip
nagpalit ang kanta. kita ng paningin ko na tumingin si patrick sa gawi ng dj
siya lang may karapatang sumayaw?
buti nakalayo agad ako sa dj nung mga oras na tumingin siya dun
BINABASA MO ANG
Saved by a Gangster
Novela JuvenilMeet Rose, isang babaeng namumuhay ng kanya, inosente, jolly and sometimes childlish but has the sweetest attitude. Paano kung ang landas ng isang inosente at isang gangster ay magtagpo ng dahil sa arranged marriage na yan? Magtagal kaya? Paano kung...
