Rose' POV
gabi na pero wala pa rin si patpat. saan kaya yun nagpunta? -___-
baka naman kasama lang ang pijav. siguro nga. pero bakit parang may konting kaba akong nararamdaman?
gutom lang siguro. kaya naisipan kong pumunta ng kusina. grabe, nakakatakot. solo ako e -__-
dahan dahan akong naglakad sa hagdan.
pagdating ko sa kusina ay may ipis. nagapang lang. kaya ok lang sakin.
biglang lumipad yung ipis O,O
"KYAAAH! TULUNGAN NYOKO!"
"HOY! WALANGYA KANG IPIS KA! HUWAG MOKO SUNDAN!" hinahabol ako nung ipis. may nakita akong kaldero. nagtago ako sa sulok
"OH! ETO SAYO! MAMATAY KA NA!" ibinato ko yung kaldero sa ere
"tss, sinong kaaway mo dyan?" napatayo ako. si patpat hawak ang kaldero. nakakahiya T^T
"h-ha? wala. naglalaro lang,"
"tss. dummy,"
"dummy ka dyan. naglalaro nga sabi!-- WAAAH! PATPAT!" napasigaw ako kasi yung ipis lumipad uli
"tsss, tabi nga," napaatras ako. bakit ang cold niya? hindi pala. normal lang pala -___-
"saan ka galing?" tanong ko habang nakasunod sa kanya sa hagdan
"wala,"
hindi na ako sumagot. ang sungit e
‧‧‧‧‧
hating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. naisipan kong pumunta ng kusina para uminom ng gatas. wala na naman siguro yung ipis dun -___-
dahan dahan akong naglakad, baka tulog na si patpat. magliyab pa yun pag nagising ko siya
hindi na ako nag abalang buhayin ang mga ilaw.
habang umiinom ako ng gatas ay may narinig akong yabag ng mga paa galing sa hagdan kaya napatago ako
binuksan niya ang ilaw sa may pinto. si patpat pala. pinatay nya uli ang ilaw at lumabas ng bahay.
pumunta ako sa bintana at sumilip. may kinukuha siya sa kotse nya. nung pabalik na sya ay tumakbo ako pabalik sa kwarto ko
"alien?" nagitla ako kaya nadapa ako sa hagdan -___-
"anong ginagawa mo? are you spying on me?" hindi ko kita ang mukha nya pero alam kong nakangisi siya
"aniyo!" (no)
"ha?"
"wala! tulog na ako!"
"tss," isinara ko agad ang pinto ng kwarto . hindi ko nakita yung dala nya pero panigurado meron siyang hawak sa mga oras na yun
*sa school
antok na antok ako. hindi ako sanay ng nagpupuyat.
humikab ako. kasabay ko nga pala si patpat
"tss. magpupuyat, hindi naman pala kaya,"
"hindi ako makatulog eh"
"because your spying on me,"
"hindi nga sabi!" ke aga aga nakikipag away sa akin
"ang aga aga nag aaway na naman kayo," biglang sumulpot si vince
"hi beeessstttt!" lalapit sana ako para kurutin sya pero hinila ako ni patpat papunta sa tabi niya
BINABASA MO ANG
Saved by a Gangster
Ficção AdolescenteMeet Rose, isang babaeng namumuhay ng kanya, inosente, jolly and sometimes childlish but has the sweetest attitude. Paano kung ang landas ng isang inosente at isang gangster ay magtagpo ng dahil sa arranged marriage na yan? Magtagal kaya? Paano kung...
