Senshi #13

142 8 0
                                    

*ERICA's P.O.V*

HINDI alam ang tumatakbo sa isipan ni Pyro habang naka tingin lang kaming pareho sa swimming pool na ito na nasa harapan ko. Takot na takot ako kanina akala ko hindi na nya ako ililigtas pa halos lumuha na ako ng dugo mahintay lang sya at halos sobra pa sa nabunutan ng tinik ang naramdaman ko ng makita ko sya. That oh so damn badboy look na kahit kailan ay hindi ko malilimutan.

I take a look to him at ganun din sya saakin, nahihiya ako sakanya hindi ko alam kong bakit pero sa twing nag tatama yung mga mata namin hindi ko alam kong bakit na kukuryente nya ako ng sobra.



"Ano? Nagugutom kaba?" Mabilis na umiling ako sa sinabi nya. "Nilalamig kaba?" Umiling din ako sa sinabi nya. "Teka, kailan kapa naging Pipe?" Puno ng pag tatakang sabi nya.

Gusto kong samaan sya ng tingin pero naisip kong bumabalik na yung pang aasar nya saakin so hindi na nagiging awkward yung moment na to. Bumuntong hininga ako.

"Na starstruck lang ako sayo." Pabirong sabi ko. Hindi naman makapaniwalang nilingon nya ako.

"Talaga?"

"Hmmm.." Tumango ako sakanya at ngumiti ng simple. Napa buga sya ng hangin.

"Aissht. Imposible." Muli nya akong nilingon na parang ako yung alien na nakita nya tanang buhay nya.

"Oh bakit?"

"Ngayon ka lang ba na starstruck saaking Babae ka?" Inirapan ko ito. "Ibang klase ka, alam ko naman na tanga ka kaya hindi mo makita yun." Napa tirik na lang din ang mata ko sa sinabi nito, nakalimutan ko palang may sapi ang isang to ey noh?

Muling namalagi ang katahimikan sa pagitan namin, yakap-yakap ko ng tuhod ko ng umihip ang malakas na hangin, nasa Senshi Boys Building ako ngayon, pero mas minabuting itago ako ni Pyro dito sa bodega na may simpleng swimming pool. Malinis naman ito pero mukhang wala sa trip ng mga Gangster na to ang mag tampisaw sa tubig, mas gusto nila yung maligo sila sa kani-kanilang dugo. Mga gago sila!


"Haay! Tsk!" Nilingon ko si Pyro na bigla na lang tumikhim at tumayo. Tumayo rin ako.

"Pyro.."

"Babalikan kita mamaya.." Bigla na lang nya akong tinalikuran at nag lakad.

"Pyro sandali.." Tumigil naman sya pero hindi nya ako nilingon. "Bakit ayaw mong mag pasalamat ako sayo?"


"Dahil aabusuhin mo lang ako.." Napakamot ako sa ulo. "Inosente pa naman ako." Napanga-nga ako.

"Ibang klase ka rin noh?" Nilingon nya ako at inosenteng tingin ang pinukol nya saakin. "Kailan kapa naging inosenteng Gago ka?"



"Nung hindi sadyang ipanganak ang mga tangang katulad mo." He even pointed me.


"Kahit kailan ang kapal ng pag mumukha mo!"

"Ah talaga?" Ngumisi sya saakin at bored look lang ang binigay ko sakanya. "Alam mo Hindi ko maintindihan kong bakit hindi ka lumaban sa mga putanginang mga lalaking yun.." Pag sisimula nya habang namewang sa harap ko. "Hindi kana sana nila nasaktan, paano pag hindi ako Dumating? Edi sana nilaspag na nila ang katawan mo?" Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi nito. "Haiist! Kung Pwede lang sanang pumatay ng tanga edi ---"


"So papatayin mo ako?" Pigil ko sa sasabihin nito.


"Bakit sinabi ko bang ikaw ang papatayin ko?" Inirapan nya pa ako.

"Ang gago mo." Natatawang sabi ko. "Atsaka.. Inaasahan ko naman talaga na isa-save mo ako ey." Kinunutan nya ako ng noo.

"How can you be sure for that?" Bumuntong hininga ako at muling binigyan sya ng matamis na ngiti.


Senshi University [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon