Senshi #18

147 7 0
                                        

*ERICA's P.O.V*

"BAKIT mo pala hinahanap si Pyro?"

Rinig kong tanong ni Quin habang naka sunod lang ako sakanilang dalawa ni Danica, Hindi ko alam kong bakit parang may kakaiba akong nararamdaman sa puso ko. Selos? Imposibleng mag selos ako, kanino naman? Kay Pyro at Danica? No way!

"May kailangan kasi ako sakanya.'' Naka ngiting sabi ni Danica, parang may kung ano sa kalooban ko na gustong lumayo sa kanila.

"Ano naman yun?" Sinamaan ko ng tingin ang likod ni Quin dahil sa pag tatanong nito, kailan pa naging enterisado ang babaeng ito? Nilingon ako ni Danica at pasimpleng ngumiti ako sakanya.

"Secret." Sabi nito at muling hinarap si Quin. Ano naman kaya ang problema ng Danica na to at may pasulyap-sulyap pa syang nalalaman saakin?

"Teka diba sya yun?" Napatigil kami sa pag lalakad ng sabihin yun ni Quin. Mula sa likod ni Quin ay tumingkayad ako para makita kong sino ang tinutukoy nito.

Gaya ng dati, suot nya ang uniform na para saakin ay nababagay sakanya, wearing those same badboy looks--no scratch it--its a gangster look of him matching with those cigarette in his lips.. Pero mas naka-kuha ng atensyon ko ay ang pasa sa mukha nito, putok na naman ang mga labi nito at bakas parin ang sugat banda sa kilay nito at kasama nya si Clinton mula sa tabi nito..

Don't tell me nakipag basag ulo na naman ang Gago na to?

Bumuntong hininga ako ng mapansin kong naka titig rin pala sya saakin, nag iwas ako ng tingin at nanahimik na lang sa likod nila Quin at Danica.

"Danica?" Hindi makapaniwalang sabi ni Clinton.

"H-hi." Sabi naman ni Danica.

"What are you doing here?" Bakas ang pag kairita sa boses ni Pyro, so it means mag kakilala talaga silang dalawa.

"Im--" Naputol ang sasabihin ni Danica ng biglang may pumarada na motor sa harap namin at mula sa helmet na yun ay nasilip ko kung sino iyon.. Si..

"Kurei?" Takang tanong ni Quin. May ibinigay ito na isang pink helmet at kinuha naman ni Quin.

"Let's go." Walang emosyon na sabi ni Kurei kaya wala ng nagawa si Quin kundi sumama, nakaka unawang nginitihan ako ni Quin at ganun din ako sakanya saka mabilis na pinasibad nito ang motor palayo saamin.

"Aherm.." Tikhim ko. "Mabuti pa mauna na rin ako sayo Danica.." Sabi ko na ikina simangot ni Pyro. Pinanlakihan ko naman sya ng mata.

"Let's talk." Sabi ni Pyro habang naka tingin saakin. Naramdaman ko ang pag dampi ang kamay nito sa balikat ko pero parang binasag ng katotohanan ang lahat saakin ng makita ko silang papalayo ni Danica sa kinatatayuan namin ni Clinton.

Kimeng ngumiti ako kay Clinton na kahit sya ay hindi rin makapaniwala sa nakita nya. Hinarap ako ni Clinton na puno ng pag tataka ang mukha nito.

"T-teka bakit ganyan ka maka tingin saakin?" Bumuntong hininga ito sa sinabi ko.

"I just don't know why."

"What do you mean?" Napakamot ng batok si Clinton.

"Akala ko ba ikaw yung isasama ni Boss? Pero bakit si Danica?"

"So you know her?" Tumango naman si Clinton. "So it means, si Danica nga ang gusto nyang isama, atsaka bakit naman ako yung isasama nito?"

"Kasi sabi saakin ni Boss kanina hinahanap ka nya."

Senshi University [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon