Senshi #9

185 9 0
                                    

*ERICA's P.O.V*

"OH my God!"

Hindi makapaniwalang sambit ko ng pag ka mulat ko pa lang ay si Pyro na tulog na tulog ang nabungaran ko, halos hindi ako makahinga at Hindi makapaniwala sa posisyon naming ito.

Ipinalibot ko ang mata ko at mukhang nasa kotse pa nya kami nang sumakit bigla ang ulo ko at muli ko itong nilingon. Oh my god may nangyari ba saamin? Bakit suot suot ko tong jacket nya? Sinuri kong mabuti yung mukha nya.

"Are you done fantasizing me?" Napakurap-kurap ako ng mag mulat ito. Nahigit ko yung hininga ko ng mag tama ang mga mata namin. Parang may kung ano doon na hinihilan nya ako.

"WAAAAAH!" Hindi ko alam kong bakit ako sumisigaw pero kasi ano bang nangyari?

"Hoy!" Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at inuyog-uyog nya pa ako. "Bakit kaba sumisigaw!"

"Gago ka gago ka! Anong ginawa mo saakin huh!" Sinapak ko pa ito at napa daing naman sya. Mabilis na tinanggal ko yung jacket nya na suot ko at itinapon yun sakanya.

"Haaaisst! Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak mo.

"Hindi talaga-aww!" Sigaw ko at ganun na lang ang sakit na bumadha sa pwetan ko ng mahulog ako mula sa pag kakakandong ko sakanya. "Waaah! Bakit ang laswa ng posisyon natin?"

"Nakakahiya naman kasi sayo na hindi mo ako tinigilan kaka halik sa leeg ko!" Galit na sabi nito at hindi naman ako makapaniwala sa sinabi nya.

"What the Heck!" Bulalas ko.

"Yes. What the fuck!" Sarkastikong tugon nya naman saakin.

"Ang kapal kapal mo! I would never! EVER do that!" Galaiting sigaw ko at yumuko naman sya para mapantayan yung mukha ko kaya nanlilisik akong naka tingin sakanya.

"Oh well poor baby," Ginulo nito ang buhok ko. "Ginawa mo na kagabi. So don't act that you forgot it cause I will never ever forget it." He smile with full of sarcasm.

"OH MY GOD!" Tunulak ko ito palayo saakin. "HINDI KO YUN MAGAGAWA!"

"Good morning Pals--" Mabilis na tinakpan ni Pyro yung naka angat na palda ko ng biglang bumukas ang kotse nito at niluwa doon si Clinton. "Anong eksena to?" May halong pag tataka na tanong nya pero matalim na tingin ang pinukol sakanya ni Pyro.

"Why don't you knock the door first?" Matigas na sabi nito.

"Boss talaga malihim minsan." At tumawa ng malakas ito.

"Aaaah!" Sabay silang napatakip ng tenga sa ginawa ko.

"Geeez you always too loud."

"HINDI NYO AKO INIUWI?" Sigaw ko! "Paano na yan!" Natatarantang sabi ko at hinahagilap kong saan ko ba nalagay ang bag ko. "Pagagalitan ako ni Tatay!"

"Hey relax. I already texted your Ate Laura." Mabilis na nilingon ko si Clinton.

"A-anong sinabi mo?" Nginuso nya si Pyro na prenteng naka upo at naka masid lang saakin. "Anong sinabi nyo sa text?" Nag kibit balikat lang ito kaya sinakal ko na lang.

Senshi University [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon