Senshi #7

169 10 2
                                    

*PYRO's P.O.V*

"MY answer is NO!"

Hindi makapaniwala na nakatingin ako sa lalaking kaharap ko ngayon, seryoso ba sya? Apat na oras akong nag hintay sa sagot nya ni hindi ko sya malapitan oh well madali lang naman sya mapatumba dahil nag iisa lang sya ngayon at wala syang kasama pero napaka tigas din ata ng bungo ng Cleo Blacks na to ey. Sinasagad na nya ako.

"Anong gusto mong gawin ko para sumama ka sa grupo ko?" Muli syang tumahimik, kung Hindi lang talaga ako pinag bantaan ng Gargo na yun na pagandahin ko ang pakikitungo ko sa taong ito EDI sana kanina ko pa sinupalpal mukha nito.

"Iisa lang naman ang kailangan ko.." Biglang tumuwid yung pag kaka tayo ko. Tssh may choice din pala ako ey.

"Then spill it." Walang ganang sabi ko sakanya.

"Yun ay.." Bigla ako napakunot ng noo ng mapansin kung pinag papawisan ito at hindi mapakali.

"Hoy--"

"Gusto ko ng may makaka date.." Napanga-nga ako sa sinabi nito. What the fuck?

"Date?" Ngumiti sya at tumango. "Anong klaseng ka date?" Sinamaan nya ako ng tingin..

"Ahh.. Ang ibig sabihin ni Boss.." Hinila ako ni Clinton papunta sa likod nito. "Ay.. Anong gusto--este sino gusto mong maka date?" Sinamaan ko ng tingin ang likod ni Clinton.

"Gusto ko yung Sexy.." May kagat labi pa tong nalalaman, kung sapakin ko kaya to? "At maganda." Kinilig pa na sabi nito. Pwe!

"Ahhh.. Okay mag hahanap na kami ngayon din." At hinila na ako ni Clinton palayo sa Cleo na yun. "Aray ko naman boss." Mangiyak-iyak na sabi nito ng batukan ko sya.

"Manahimik ka!" I gritted my teeth on him.

"Boss naman diba kailangan nyong makuha ang loob ni Cleo?"

"Ano ba sa tingin mo?" Inis na sabi ko sa kanya. Napakamot ng ulo ito. "Kailangan natin mahanap ang tinutukoy ng lalaking yun."

"Boss kailangan daw nya ng makakadate." Sinamaan ko ulit sya ng tingin.

"Alam ko." Sapakin ko na kaya tong lalaking to?

"Ey. Boss saan tayo makakahanap nyan?" Bumuntong hininga ako. Hindi ko rin alam. Putangina talaga, saan naman ako mag hahanap ng isang babae? Ni wala akong hilig sa mga ganyan tssh! "Aha! I have a plan." Napa tingin ako sakanya.

"Another plan huh.?" I poker face on him but he just grinned on me. "Gusto mo ng sapak?" Napa nguso na lang sya.

"May naisip na po ako para sa problema nating ito." Hindi ako nag salita hinintay ko na lang na mag patuloy sya. "Trust me Boss." At hinila na nya ako. Kung saan papunta? Hindi ko alam sa lalaking ito pero once that he will failed? Then I will wreck his stupid neck.



/>

HINDI ko maintindihan kong bakit nag papaniwala ako sa pinag gagawa ng Clinton na ito, kasalukuyan  na nasa park kami ngayon nag hahanap ng babae na pwede at makakapasa sa panlasa ng Cleo na yun pero sa tingin ko palpak lahat ang ginagawa ng lalaking ito.

"Boss!" Kumaway sya at tinanguhan ko naman sya umaasa na may nahanap sya. May ipinakita syang babae saakin na ikina tirik ng mata ko at mabilis na umiling.

"Nag hahanap ba talaga yan? O nag lalaro?" Bumuntong hininga na lang ako sa narinig kong sabi ni Ruiz. Yes! Nakita ko sya sa labas ng Senshi na nanginginig ang mga tuhod habang naka tingin saakin kaya hinila ko na lang ito para pasamahin sa amin ni Clinton ng sa ganun ay may makausap akong matino.

Senshi University [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon