Senshi #14

148 8 0
                                    

*ERICA's P.O V*

HANGANG ngayon si Pyro parin ang laman ng isipan ko, nakakainis hindi man lang sya mawala-wala. Minsan naisip kong sampalin ng sarili ko para magising ako sa realidad.

Na bakit Kay Pyro pa?

Bakit hindi na lang Kay Clinton?

O kaya Kay Ruiz?

Haysst! Buhay nga naman oh. Hindi ko rin maintindihan, dalawang araw na ang lumipas matapos maganap ang kidnapping scene ng mga gagong ulol na kalahi ng mga Gangster na yun pero hindi parin ako maka-get over sa takot.  Dalawang araw na rin ang lumipas at talagang tinutoo ni Pyro na wag ng mag paramdam saakin. Okay naman ako diba? Okay na yun! Akala ko nga babalik na sa normal yung buhay estudyante ko. Pilit ko ng binabalik yung sigla ko nilang studyante not until this time.

Parang hangin na lumipas lang yung mga iniisip ko. Naka tingin ako sa lalaking naka tayo mula sa labas ng gate ng school. Naka suot sya ng uniform pero sa lahat ng nakitaan kong nag susuot ng ganung uniporme ay sakanya lang bumagay pati na doon sa Kurei na fiance ni Quin.

"Ano naman kayang ginagawa ng lalaking ito dito?" Mabilis na nag tago ako at siniguro ko kong ano ang ginagawa nito sa labas nang gate ng Girl Building. Parang may hinihintay ito dahil sa twing may lumalabas na studyante ay bigla bigla na lang nitong hinaharangan. "Hindi kaya may nililigawan ito?" Mabilis naman na binura ko yun sa isipan ko. "Si Pyro? The Gangster may liligawan? Wow! Hindi ko siguro ma take yun." Naiiling pa na sabi ko.

Teka ano bang ginagawa ko at nag tatago ako? Total Hindi naman ako yung hinahanap ng lalaking yan. Lumabas na ako mula sa pag kaka tago ko at inayos na yung pag kaka sukbit ko ng bag ko. At nag patuloy ng mag lakad. Pero sa twing na iisip kong papalapit ako sakanya ay bumibigat ang pag hinga ko. Parang naninigas yung mga tuhod ko lalo na ng mag tama ang mga mata namin.

Bumalik na naman yung nakakabingin tunog.. Yung tunog na Dug dug.. Dug dug.. Dalawang araw lang ang lumipas mula ng hindi kami nag kita pero bakit parang na miss ko sya ng sobra?

WHAT THE HECK ERICA? ANO? YANG LALAKING YAN? NA MISS MO?

Hindi na ata tama tong nang yayari saakin. Hindi narin ata tama tong nararamdaman ko! Mabilis ang ginawang hakbang ko at nag kunwaring hindi ko sya nakita. Kailangan kong iwasan sya.

"Erica." Nanigas ako sa pag kakasabi nito. Bakit feeling ko napaka special ng pangalan ko sa twing sya ang bumabangit nun? "Erica!"

"Hindi. Hindi." Bulong ko sa sarili ko. "Mag panggap kang wala kang narinig." At mabilis na nag lakad na.

"Erica.." Halos tumalilis na ako ng takbo ng mag dampi ang palad nito sa braso ko. Parang napaso ako kaya mabilis na binawi ko iyon at hinarap sya.

"Ikaw na naman? Akala ko ba sinabihan na kita na tigilan mo na ako? I want my normal life back!" Halos mag taas baba yung dibdib ko sa sobrang kaba. Naka titig lang sya sa mga mata ko at gusto kong isumpa tong mata ko ng lumanding iyon sa mga labi nito. Oh shit! I'm still longing for that kiss! Pashnea! Anong katangahan na naman tong naiisip ko?

"Eyes up Lady." Napakurap-kurap ako at namumulang nag iwas ako ng tingin. Shit nahuli nya ba ako? "Hindi ko maintindihan na bakit hindi parin nawawala yang pagiging masungit mong tao?" Napa balik yung tingin ko sakanya.

Senshi University [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon