"SERYOSO nakakatakot naman dito Erica."
Hindi iilang-beses kong narinig ang salitang yan na namumutawi sa bibig ni Ate Laura ko pero ipinag walang bahala ko na lang na dahil miski ako ay may hindi rin maganda ang kutob sa paaralang ito.
Expect the unexpected ika nga nila. Habang titig na titig ako sa larawan ng isang sikat na paaralan mula sa sulat na naipadala ng kaibigan ni Papa.
"Ano kaba judgemental ka naman ate ey." Inilayo ko sakanya yung litrato at hindi naman sya umangal.
"Anong gagawin mo dyan?" Ani nya habang nag titimpla ng kape.
"Hindi ko alam."
"May kalakip na sulat basahin mo kaya." I glared on her. "Oh bakit?"
"Mukha na tayong pakealamero nito.. Hintayin na natin magising si Papa." Isinantabi ko muna ang sulat kalakip ng litratong iyon at nag tungo Kay Ate para gumawa ng Juice, hindi kasi ako nag ka kape kaya kahit umagang-umaga ay nag j-juice ako minsan. "Malay mo ipapa-imbestiga na naman yan sakanya." Nag kibit balikat naman si Ate bago humigop ng kape nito.
Isang secret agent si Papa pero sa pag kakaalala ko ay tikom na sya at mas pinili na nyang mabuhay ng tahimik kasama kami ni Ate Laura. Naalala ko noong mga bata palang kami ni Ate Laura ay naririnig naming sinisisi ni Papa ang sarili nya kung bakit nawala ng maaga si Mama. Maybe because of his job? I don't know why!
Oo delikado ang trabaho ni Papa kaya nanatili na syang tago at isinantabi ang pakikipag paligsaan sa mga kriminal.
"Hoy, ano yang malalim na iniisip mo aber?" Napa kurap-kurap ako sa mahabang pag titig ko sa larawang iyon. Bakit parang may kung ano doon na hindi ko mawari? Hindi ko alam pero isa lang ang naiisip ko, its creepy pero naiinganyo ako. "Hoy."
"Ate diba parang gumagalaw yang litrato?" Sinundan tingin naman ni Ate Laura ang tingin ko mula sa naka usling litrato. "Feel ko kasi parang hinihila nito ako-aray naman!" Napa ngiwi ako bigla na lang akong batukan ni Ate.
"Tinatakot mo ba ako?" Naiinis na sabi nya na ikina ngisi ko. Kahit kailan talaga matatakutin si Ate. "Feel mo naman Mystery Thriller ang story na to noh." Inirapan nya pa ako.
"Ang O.A mo ate!" Naiiling na sabi ko at sabay na napalingon kami sa kwarto ni Papa ng iniluwa sya nito. "Hi Pa!"
"Good morning Pa!" At mabilis pa sa alas kwatro na kinuha ni Ate Laura ang sulat at ang litrato at ibinigay sa nag pupungas-pungas pang si Papa. "Sulat."
"Saan galing iha?" Takang tanong nito kaya lumapit na rin ako.
"Ayun sa nakalagay.." Turo ko mula sa isang maliit na card. "Sa kaibigan nyo galing." Sinundan tingin yun ni Papa at may kung anong dumaan sa mga mata nito na hindi ko maintindihan. Kaba? Takot? O nag mamalik-mata lang ako? Wala namang naka sulat sa maliit na card kundi isang penmanship ng isang may magandang sulat pang kamay na may tatak na 'Your Dearest Friend...' wala ng iba pa bukod doon. "Pa, ayos lang kayo?" Pinakatitigan nya kami ni Ate na kaparehas kong naka kunot ang noo sakanya.
"Ayos lang." Ngumiti ito katulad ng palagi nyang ginagawa kahit na ang totoo ay may dinaramdam ito, he never show his pain or whatsoever dinadaan nya lang sa tawa kaya minsan naiisip kong maraming itinatago si Papa saamin. "Hindi pa masyado akong nahimasmasan." Ginulo nito ang buhok ko at si Ate naman ay nag mamadaling nag tungo sa lamesa para gawaan ng kape si Papa na ngayon ay tahimik na nakaupo sa bangko at naka titig sa litrato.
"Kakaiba si Papa ngayon." Mahinang sabi ko Kay ate na naiiling na lang saakin.
"Marami ka talagang napapansin bata ka." Kinuwit nya pa yung ilong ko.
BINABASA MO ANG
Senshi University [COMPLETED]
AcciónSynopsis: Being a fighter is being a cruel to yourself, everyone wants to fight for what they want? Fighting for the throne? Or fighting for love? Which one you belong? Paano kung kabilang ka sa may ipinag lalaban kaya mo ba? Humanda ng pasukin ang...