Senshi #19

147 6 0
                                    

*ERICA's P.O.V*

IT'S been three days..

Hangang ngayon hindi ko pa alam kong nasaan na si Tatay, si Ate Laura ay sobra na rin ang lungkot nito dahil hindi alam kong saan na nag punta o nasa mabuti pa bang kalagayan si Tatay.

It's been three days..
Nang huli kong makita si Pyro--no scratch it-- palagi ko pala syang nakikita sya lang tong hindi ako nakikita.. Why? Since that day happen, that kiss of him happen.. Umiwas na ako. Sinusubukan kung umiwas sakanya sa twing nakikita ko sya ako na yung nag tatago o kaya kinukubli ko ang sarili ko para hindi nya ako mapansin. Natatakot kasi ako na baka isang araw magising na lang ako na todo na pala ang pag ka hulog ko sakanya.

Yung tipong baka mag take a risk na ako at kapag nangyari yun alam kong hindi nya ako saaaluhin, marahil hindi nya ako saluhin.. Bumuntong hininga ako at nilaro ko ang ballpen mula sa mga daliri ko. Nakatambay ako ngayon sa mini park ng Senshi All-Girls Building dahil wala si Quin, siguro kikitain na naman nya si Kurei.

Muling bumuntong hininga ako hangang sa hindi sadyang mahulog ko ang ballpen ko kaya napilitan ako yumuko para kunin yun pero natigil ako ng may maramdaman akong naupo sa tabi ko. Nilukob na naman ng kaba ang dibdib ko dahil sa naramdaman ko, palagi na lang akong nakakaramdam na may sumusunod saakin, naka masid kaya natatakot na rin ako minsan na mag isa tulad na lang ng oras na to. Dahan-dahan na lumingon ako at halos man laki ang mga mata ko.

"It's been three days of playing Hide and Seek." Napasinghap ako at halos mahulog na ako sa kinauupuan ko sa sinabi nito. Ngiting aso ang binigay nya saakin.

"GAGO KABA! WAG MO NGA AKONG GINUGULAT!" Sigaw ko sa mukha ni Pyro na ikina ngisi nya pa lalo. "Gago ka talaga! Paano mo ako nahanap? At teka.." Inilibot ko ang paningin ko bago binalik sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" Himas-himas nya ang tenga nya at na aalien na tumitig saakin.

"Kahit kailan talaga Loudspeaker ka paring babae ka!" Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ginugulat ko ako ey!" Mabilis na nilimas ko ang mga gamit ko.

"Ginulat ba kita?" Sinamaan ko sya lalo ng tingin. "Sa gwapo kong to nagulat kapa?"

"Oo nakakagulat! At Pwede wag mo na akong gugulatin ulit!" Nilapit nito ang mukha nya saakin na parang mas gusto akong inisin.

"Then what if gugulatin kita ulit?" Pa bulong na sabi nito. Itinirik ko ang mata ko sabay tulak sa mukha nya palayo saakin.

"Kakagatin kita!" Pag babanta na sabi ko na agad naman nyang ikinalayo saakin.

"Sabi ko nga hindi kana gugulatin pa!" Inirapan ko sya at nag patuloy na. Oh my Ghad! Ano na naman kaya ang kasalanang ginawa ko at nandito na naman sa tabi ko ang lalaking ito?

Akala ko makakaligtas na ako, Hindi na nya matutunton ang kinapupwestuhan ko pero andito na naman sya. Argh! Na miss mo naman? OO!Oh fuck it! Hindi ko sya na miss PSH! Nilingon ko sya at kinunutan ng noo dahil sa mga titig nito saakin na akala mo pag kurap nya ay mawawala ako sa harap nya.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Naiinis na tanong ko ka ikinailing nito.

"I don't know kung bakit ganyan ka kapakipot saakin.." Mas lalong nag salubong ang kilay ko sa sinabi nito. "Bakit di mo pa aminin na nami-miss mo ako? May pa hide and seek ka pang nalalaman pero yung totoo gusto mo rin akong malapitan gaya ngayon." Napa buga na lang ako ng hangin sa sobrang polluted na ng utak nito.

"Ang kapal mo.." Hinawakan ko ang balikat nito at tinapiktapik ito. "Kabahan ka.. Gusto mo pag timpla kita ng kape?" Hinawakan nya ang kamay ko na nakahawak sa balikat nya at matapos ay inilapit sa labi nito. Sa pang gigilas ko ay hindi ko na nabawi ang mga yun hinalik-halikan nya yun paakyat sa braso hangang sa mag angat sya ng tingin at kinindatan ako.

Senshi University [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon