Senshi #27

108 7 0
                                    

"MAUUNA na ba ako sa P.E class?"

Tanong saakin ni Quin habang ina ayos ko ang gamit ko mula sa loob ng bag ko, nilingon ko sya at nginitihan. Nakalimutan ko palang mag palit ng maaga dahil may P.E pala kami ngayon.

"Amm.. Okay lang." I said. "Sorry susunod ako agad." Naka ngusong sabi ko at natawa na lang ito.

"Na-ah, don't worry sasabihin ko na lang Kay Ma'am." Ngumiti ako at tumago.

"Salamat." Kininditan nya ako at nag lakad na palabas. Ako naman ay mabilis na tinapos ang pag aayos ko at tumayo na rin.

Pag ka labas ko sa classroom namin ay napansin kong ako na lang pala ang tao doon. Napa simangot ako, bakit ba hindi na lang ako nag pasama Kay Quin?

"Oh well wala naman masamang mang yayari saakin dito." I sighed and started to walk.

Ilang araw na rin ang nakakalipas, nasabi ko na rin ang tungkol saamin ni Pyro Kay Ate Laura. Hindi ko pa masabi Kay Tatay kasi naman ay nag papagaling pa ito, baka bigla na lang sya umangal at mabinat pa sya. I frowned when suddenly I remember Pyro.. Bigla ko na lang syang na miss. hayy! Ipinilig ko ang ulo ko para mabura ito sa isipan ko. But guess na hindi ko naman kayang gawin yun.

Nang matanaw ko na ang locker room ay biglang nanindig ang balahibo ko, napa hinto ako at binudol ng kaba ang dibdib ko. Inilibot ko ang paningin ko pero tahimik naman ito.

"Guni-guni mo lang yun Erica." Bulong ko sa sarili ko at nag lakad nang muli. Napa hinga lang ako ng maluwang ng wala naman akong maramdaman doon.

Mabilis ko ng kinuha ang P.E uniform ko at nag palit na doon, habang busy ako sa pag tutupi ng damit ko bigla na lang ako nakaramdam ng malamig na bagay mula sa balikat ko. I stiffened and gasp. My heart beat race like a jet Ji hindi ako makagalaw.

"Move and I'll swear to hell that your head blow away." At umangay nga ang bagay na naka tutok sa balikat ko at ngayon ay nasa ulo ko na naka tutok. Nanlalambot ang tuhod ko at hindi ako makagalaw.

"S-sino ka?" Nawawalan ng boses na tanong ko. Isang nakakabaliw na ngisi ang narinig ko at base sa pag kakadinig ko isang babae iyon.

"Your sweetest nightmare,.." Naramdaman kong bulong nya sa tenga ko at napa pikit na lang ako. "Now face me.." Ayoko man gawin pero puno ng maawtoridad na utos nito kaya ginawa ko naman. Nanlalaki ang mga mata ko sa nakita ko. "So?? Erica Scott the commoner woman who make Pyro fall deeply in love huh?" She said full of sarcasm. I gulp again na pa pikit na lang ako ng ikinasa nito ang baril nya.

I dont know what I'm going to do now, wala naman akong alam na gawin. Ka bilang ba ito sa pag pili ko Kay Pyro? Palagi na lang akong nasa risk dahil sakanya... Pero palagi naman nya akong sinasalba.. Pero sa oras na to...

"Manalangin kana na dumating sya bago pa pag lamayan ang katawan mo." And so I did. I uttered some prayer and wish that Pyro will save me again.








=_________________________________=

"BOSS ngayon uwi ni Ate Mishiella kaya susunduin ko sya."

Biglang tikhim ni Clinton habang inaabala ko ang sarili ko sa panunuod ng mga babaeng studyante na nag p-P.E kasalukuyan sa labas ng building nila. Hindi naman sila ang pinapanuod ko kundi si Erica. And speaking Erica kanina ko pa sinusuri ang mga naka helerang mga babae pero hindi ko parin sya makita.

"Where she is?" Naiinis na usal ko lalo na akong nag taka ng makita ko si Quin na humahagibis na tumatakbo patungo sa mga kasamahan nila. Bakit hindi nya kasama si Erica?

Senshi University [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon