Senshi #20

179 5 0
                                    

*ERICA's P.O.V*

"BAKIT nandito tayo sa hospital?"

Puno ng pag tatakang baling ko Kay Pyro ng iparada na ni Clinton ang sasakyan sa labas ng matayog na hospital na to. Nilingon naman ako ni Pyro at hinila na lang nya yung braso ko palakad papasok doon.

"Ano ba, bakit hindi mo sinasagot bawat tanong ko sayo?" Naiinis na sabi ko lalo pa't kanina pa ako tanong ng tanong sakanya pero parang wala itong naririnig sa mga sinasabi ko. "PYRO!" Napa ngiwi at pimiksi ako sakanya.

"What woman?" Matalim na titig ang pinukol nito saakin.

"Ano ba kasing gagawin natin dito?" Bumuntong hininga ito.

"I want to show you something.." Wala sa mood na sabi nito at nag lakad ng muli, sumunod naman ako kahit na Hindi ko alam kong bakit sinusundan ko pa ang Gago nato! "By the way this is mine.".

"Huh?" Takang baling ko sakanya.

"This hospital is mine." Natigagal ako sa sinabi nito, what the heck? Sakanya pala tong hospital?

"Seryoso?"

"Yep. So don't you worry okay? May ipapakita ako sayo na tyak na ikakabaliw mo." Kinunutan ko ang likod nya habang naka sunod parin ako sakanya. Pa baling baling ako ng tingin sa bawat pasilyong madaraanan namin ang oh fuck it ang high-tech naman ng mga kasangkapan ng hospital na to. Mag tataka na lang ako kong hindi kapa gagaling sa hospital na to noh!

Napatikwas ang kilay ko ng mapansin kong may nag kukumpulan na mga naka itim na damit na mga lalaki mula sa labas ng isang pasilyo hindi kalayuan sa nilalakaran namin. Pansin ko rin na mukhang doon kami patungo ni Pyro kaya may kung ano saakin na ikinakaba ng dibdib ko.

"Hoy." Kalabit ko sa balikat nito pero hindi na naman nya ako sinagot. "Aissht! Sarap mo talagang sapak-sapakin kahit kailan talaga--araay!" Napasapo ko ang noo ko ng bigla na lang huminto ito sa pag lalakad kaya nauntog ako sa likod nito. "Bakit ka huminto?"

"All of you.. Get out of here.." Napakunot ako sa sinabi ni Pyro, sumilip ako mula sa likod nya at isa-isang nag sipag yuko yung mga lalaking naka itim.

"Pero master--" Nilapitan sya ni Pyro at kinuwelyuhan iyon.

"That's my order." Mahina ngunit madiin na sabi ni Pyro na pati ako ay ikina singhap ko.Isa-isang nag sipag alisan ang mga iyon hangang sa kami na lang ang matira doon.

"B-bakit ginawa mo yun?" Hinarap nya ako at hinawakan ang mag kabilang balikat ko.

"I need to." Sinimangutan ko naman sya pero ginulo nya ang buhok ko. "I have a best surprise on you."

"H-huh?" Ngumiti ito at hinarap nya ako sa pasilyong iyon. "A-ano to?"

"Buksan mo.. Pumasok ka.." Hinarap ko syang muli na puno ng pag tataka ang mukha. "Just go." Mahinang tinulak nya ako. "Don't worry kahit anong tagal pa yan I'm still here waiting for you." Hindi ko mantindihan ang sinasabi nito pero tinanguhan ko na ang ito.

Mahinang pinihit ko ang seradura upang mabuksan at naramdaman ko ang papalayong presensya ni Pyro na syang ikinatambad saakin ng nasa loob ng pasilyo na yun. Biglang nanlalambot ang mga tuhod ko at nanlalaki ang mga matang hindi makapaniwala sa nakikita ko.

"T-tay.." Tanging salita na kumawala sa bibig ko habang nakatingin kay tatay na naka higa mula sa hospital bed at puno ng Benda ang katawan at ulo nito. "Tatay.." Iyak ako ng iyak na lumapit sakanya at halos hindi mapatid ang mga luha ko lalo na ng masilayan ko ang mukha nito. "Anong nangyari sayo Tay." I held his hand habang nag susumamo na naka tingin sa walang malay na si Tatay.

Senshi University [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon