Nuwebe
story by: SweetVengeance
credits to: nicole_alyanna for typing :D
---
Prologue
"Ang ganda talaga ni Charlize.."
"Ang bait mo naman Charlize!"
"Idol ko na talaga si Charlize! Maganda, matalino, at mabait pa!"
"Total package talaga si Charlize. Girlfriend-material eh!"
---
"Hmpf! Siguro nasa loob ang kulo niyan ni Charlize!"
"Hindi na kapani-paniwala yung kabaitan niya eh!"
---
"..Masyado na siyang sikat. Natatabunan na niya ako. Kailangan ako yung bida. Kailangan ako yung "pinaka". Kaya kailangan.. MAMATAY SIYA.."
"Sigurado ka ba Arianne? Alam mong maraming nagmamahal sa--"
"Oo. Sigurado ako. PAPATAYIN NATIN SIYA."
.. Ang pagiging pinakamagaling ay pagiging perpekto..
.. At ang pagiging perpekto.. ang magdadala sayo sa impyerno..
"Perfect talaga ang Lucky 9. Para silang si Charlize."
"Simula ng mamatay si Charlize, sila naman yung sumikat."
.. Ikaw? Gusto mo bang sumikat? Gusto mo bang mapabilang sa Lucky 9?
.. Wag mo ng pangarapin pa.. Dahil sa oras na malaman mo ang baho nila, PANDIDIRIHAN MO RIN SILA..
"Huli na para magsisi ka. Kahit pa makonsensya ka, hindi mababago na nakagawa ka ng mali. Ang kamalian, parang sugat. Kahit gamutin mo, mag-iiwan ng peklat. Hindi mo na mabubura na nakagawa ka ng mali. Kung magsisisi ka na lang din, magpakamatay ka na lang. Dahil kamatayan ang katumbas ng kamatayan.."
.. Ano? Iidolohin mo pa rin ba sila?
.. Kung oo, sumama ka na.. Pasukin natin ang mundo ng nuwebeng bida..
---
Ice ba? Huehue