- UNO -
---
"Hello Ms. Arianne!"
"Good morning Ms. Nadine!"
"Hi po Ms. Shanaia!"
Puro sigawan ang maririnig sa harap ng malaking gate ng isa sa pinakasikat na paaralan sa kanilang lugar, ang Evitha Lucian High. Ipinangalan sa isang sikat na negosyante na siya mismong nagpagawa sa paaralan. Samantala, hindi naman magkamayaw sa pagngiti ang tatlo. Ngiti dito, ngiti dyan. Ang akala ng lahat, totoo ang ngiting ito pero sa loob-loob ng tatlo eh iritang-irita na sila.
FC much. Sa isip-isip ni Arianne.
---
"Ang init! Gosh!" sigaw ng pinagpapawisang si Nadine. Kararating lamang nila sa kanilang pribadong kwarto sa paaralan. Eto ang nagsisilbing tambayan nila.
"Right now I just wanna sleep." sambit naman ni Shanaia.
"For Pete's sake Shanaia kararating lang natin!" bulyaw ni Arianne na prenteng-prenteng nakaupo sa isang tabi.
"Eh sa napagod ako eh. Ano namang pake mo?"
"B*tch! Minsan nga itry mong wag matulog ng matulog para mabawasan yang fat cells mo sa katawan!" Agad na nagpanting ang tenga ni Shanaia sa sinabi ng "kaibigang" si Arianne. Akma niyang sasabunutan si Arianne nang pumagitna si Nadine.
"Calm down girls! Nakakastress kayo!"
Ganyan ang grupo nila. Magulo. At puro pagpaplastikan ang mayroon sa grupong ito. Ito ay ang tinaguriang Queens na binubuo nina Nadine Cabrera, ang pinakamaarte, pinakasosyal at malungkot mang sabihin, siya rin ang pinakamalandi sa grupo. Susunod ay si Shanaia Samaniego, ang rich kid sa grupo. At ang kanilang leader, si Arianne Hernandez. Ang pinakamaganda, pinakamatalino, pinakatalentado at ang pinakahabulin ng lalaki sa grupo. Pinaka sa lahat ng pinaka. Sa kabila ng lahat ng mga ito, siya rin ang pinakasalbahe sa tatlo. Salbahe na patago. Kasi ang hindi alam ng lahat, may mga baho rin ang hinahangaan nila.
---
"Wooooohoooo!"