- SAIS -
---
"AAAAAHHHH!" napatingin ang lahat sa loob ng kusina ng cafeteria nang may sumigaw. Mula sa kusina, lumabas ang nahihintatakutang si Christa.
"M-may... m-may bangkay!" dali-daling nagtatakbo ang lahat papasok sa kusina, at doon tumambad sa kanila ang mutilated na bangkay nina Katrina, Margarette, Ianthe at Grace. Nagsisuka na ang ilan sa nakita.
"Sinong gumawa sa kanila niyan?" tanong ni Yuanne.
"Sino bang kulang satin ngayon?" tanong naman ni Kara.
"Si Xyryll." nanlaki ang mata ng lahat sa narinig at handa ng hanapin si Xyryll ng makita nila itong papasok sa cafeteria at may sugat sa binti.
"Oh My Gosh! Anong nangyari sayo?!" natatarantang tanong ni Nadine.
"N-nagpunta ako sa CCTV Room 1 kasi akala ko nandun pa kayo, tapos biglang may sumunggab sakin, nagpumiglas ako pero nadapa ako. Kaya nasugatan niya yung binti ko, buti na lang at may dala akong swiss knife at nasugatan ko siya sa leeg tapos nagtatakbo na ako papunta dito. Buti na lang at nandito kayo." napasinghap ang iba.
"SINUNGALING KA XYRYLL! IKAW ANG PUMATAY KINA KATRINA!" asik ni Yuanne.
"Bakit ako? Alam mo 'insan, hindi ako ang killer!" Oo. Magpinsan ang dalawa, kaya nagtataka ang lahat kung bakit sinisisi ni Yuanne si Xyryll.
"Tama na nga! AKO PAPATAY SA INYO EH!" sabi ni Yosef. Nanginig naman ang mga kaklaseng nakarinig kay Yosef.
"Ikaw ang killer?!" tanong ni Allyce.
"Hoy! Ikaw nga ang killer dyan eh!"
"Wha--"
"ENOUGH! Magpahinga na tayo!" sigaw ni Arianne.
Naghiwa-hiwalay na sila upang matulog.
KINABUKASAN.
Malikot ang matang inilibot ni Nadine ang tingin sa cafeteria.
"Hi Nads!" napatalon naman siya nanag may kumulbit sa kanya.
"You scared the hell out of me, Philip!"
"Ang chenes mo. Bat di ka kumakain?" napahinga ng malalim si Nadine.
"Sino sa tingin mo ang killer?" nagulat naman si Philip sa tanong ng kaklase.
"H-hindi ko alam..."
"Paano kung si Yuanne? Si Yosef? Si Kara? Si Anya? O baka naman nasa Lucky 9 talaga ang killer?"
"Meron pa tayong hindi napagbibintangan."
"Sino?"
"Yung tatlong weirdo." napalingon si Nadine at Philip sa nagsalita. Si Sharram.
"You mean sina Belinda, Autumn at... err... Junie?" sabi ni Nadine.
"Yup. Si Belinda, alam nating bipolar yan. At kapag sinusumpong siya, nananakit yam diba? Si Autumn, diba may history siya na nainvolve siya sa isang murder case? At ang K-POP addict na si Junie, eh nakapatay na yun dahil sinabihan lang siyang, "ANG PANGET NI HENRY LAU!" Ang weird talaga nila!" bulong ni Sharram.
"Lapitan natin sila." suhestiyon ni Xyryll na kanina pa pala nakikinig sa usapan ng tatlo.
"Sige!" Dahan-dahan naman silang lumapit sa likod ng kaklaseng si Junie na may hinahalikan sa cellphone niya. Walang anu-ano'y sumigaw ito ng: