- SINGKO -
---
"Guys! Alam na namin kung sino ang killer!" sigaw ni Yosef pagkarating nila sa kinaroroonan ng mga babae.
"SINO?!" tanong ni Arianne.
"Si Allyce." sakto namang dumating si Allyce kasama si Alyanna. Agad na sinugod ito ni Nadine, ngunit marahas siya nitong naitulak.
"Ano'ng problema mo Nadine?!" sigaw ni Allyce.
"IKAW ANG KILLER!" paasik na sigaw din ni Nadine.
"Ako ang killer?! Are you nuts?!"
"PAPATAYIN KITAAA!" susugod na sana ulit si Nadine kay Allyce ng magsalita ulit ito.
"You'll kill me? Edi ikaw ang killer?"
"B-BITCH!" iyon na lamang ang nasabi ni Nadine at nagwalk-out na ito.
"IKAW BA TALAGA ANG KILLER ALLYCE?" puno ng awtoridad na tanong ni Bennidick sa babae.
Makailang-ulit pa itong lumunok bago sumagot.
"N-no."
"ARE YOU SURE?"
"O-OO NAMAN!" hindi na muli pang nagtanong si Bennidick.
"G-guys.. p-patay na sina Justin, Ralph, Johan at Jim." sabi ni Shanaia sa kadarating lang na mga lalaki.
"Kasama lang namin.. ay napahiwalay nga pala sila samin. Pano niyo nalaman?" tanong ni Sharram. Pinasunod ng mga babae ang mga lalaki upang ipakita ang video.
"Anong oras niyo nareceive yung video?" tanong ni Yosef kay Arianne. Namula pa si Arianne dahil unang beses siya nitong kausapin.
"4:31 ng hapon."
"Eh yung video nung kina Johan at Jim?"
"4:30 pm."
"Halos sabay lang umalis sina Johan, Jim, Justin at Raplh.. at sabay niyo lang din nareceive yung video ng pagkamatay nila.. ibig sabihin.. dalawa yung killer?"
"N-nasaan nga pala sila Katrina?" tanong ni Anya. Nanlaki ang mga mata ng mga babae.
"Oh my God! Sinundan nga pala kayo nina Katrina!" sabi ni Nadine sa mga lalaki.
"Hindi namin sila nakita.." bulong naman ni Gerard.
"N-NASAAN NA SILA?!"
Katrina's POV
"A-ARAAAY!" napamugalat ako nang marinig ko ang sigaw na yun. Biglang bumukas ang ilaw, at agad na tumambad sakin ang mga nakatahing mata nina Margarette, Grace at Ianthe. Ang iniluluha nila ay dugo. At mula sa likod nila, biglang may lumabas na babaeng nakamaskarang itim.
"Magandang gabi, Katrina!" bati saakin ng babae.
"A-anong kailangan mo sakin?"
"Marami. Buhay mo, buhay mo, buhay mo. Pati pala buhay nila." nanlaki ang mata ko nang sabihin niya yun. May kinuha siya mula sa likod niya.
Cutter.
"Tingnan mo ang gagawin ko sa mga kaibigan mo." sabi sakin ng killer. Lumapit siya kay Margarette at akmang sasaksakin na ang kamay ni Margarette ng sumigaw ako.