- Siyete -

59 3 0
                                    

- SIYETE -

---

"OH MY GOD! JUNIE! A-ANO YAN?!" napadilat ng dahan-dahan si Junie at agad na bumungad sa kanya ang mukha ni Arianne. Napatayo naman siya sa pagkakahiga nang makitang may hawak siyang kutsilyo na may dugo.

"What the f.ck is that, Junie? Ikaw ba ang killer?" naniningkit ang matang tanong ni Xyryll.

"H-HINDI! SI ALLYCE ANG KILLER!" sigaw ni Junie. Kumunot naman agad ang noo ni Allyce.

"Nananahimik ako dito eh!"

"Guys! N-nakita namin to sa damitan ni Junie!" humihingal na sabi ni Gerard na may hawak na kulay itim na jacket at may mga stains ng dugo. Kahit itim ang jacket, kita pa rin ang kulay ng dugo.

"Hindi siya ang killer! Ikaw Xyryll! Ikaw ang killer!" sigaw ni Yuanne.

"Ano na naman ba?! Naku Yuanne, konti na lang talaga't mapuputol na pisi ko sayo! Sinasagad mo pasensya ko eh!"

"Teka nga! Baka naman killer ka rin ha Yuanne?!" mapagsuspetiyang tanong ni Alyanna.

"At ako pa ngayon ang napagbintangan?!"

"KAILANGAN NILANG MAMATAY!" sigaw ng isa nilang kaklaseng si Autumn na ikinagulat nina Junie at Yuanne.

"...A-Autumn?" halos hindi makapagsalita si Junie. Hindi niya akalaing ilalaglag siya ng kaibigan.

"Sorry Junie... pero kailangan naming iligtas ang buhay namin... sa pamamagitan ng pagpatay sayo at kay Yuanne..." akmang hahawakan na nila si Junie nang magsalita si Belinda.

"H-huwag niyo siyang papatayin! A-ako ang naglagay sa mga kamay niya ng kutsilyo... ako ang nagset-up sa kanya... A-AKO ANG KILLER!"

Napatakip ng bibig ang lahat. Ngunit napakunot naman ang noo ni Allyce.

"I-ikaw?" pumikit ng mariin si Belinda at tumango.

NuwebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon