- DIYES -
(Last Chapter)
---
(Part 1)
"AAAHHH!!!"
Napamulat ng mata ang lahat at sabay-sabay na napatingin sa sumigaw. Nakita nila si Philip na tinutusok ng syringe ang buong katawan ng isang babaeng nakamaskara at nakaitim.
[ Syringe - INJECTION! Para sayo yan Alyanna! ]
Napangiwi si Arianne aa nakikita.
"Oh, mabuti naman at nagising na kayo! Ang tagal niyong matulog eh!" turan ng babaeng nakaitim habang tinutusok ang braso ni Philip.
E-eto na ba yun? Karma na ba namin to sa pagpatay kay Charlize at Ms. Kim? .. sa isip-isip ni Shanaia.
Punung-puno ng takot ang mga mata ng lahat, dahil isa lang ang siguradong kahahantungan nila: kamatayan.
Matapos nitong tigilan ang pagtusok kay Philip, humarap na ito sa nuwebe. Nakapaikot sa killer ang siyam.
"Ngayon, maglalaro tayo. At ang lalaruin natin, ay Death Roll."
Napakunot ng noo ang lahat.
" .. Magpapaikot ako ng dalawang dice. May katumbas na parte ng katawan at tools ang dalawang dice."
"Teka!" Napalingon sila kay Arianne na siyang sumigaw.
"P-pwede ba naming.. makita ang mukha mo?"
"Hmmm.." unti-unti, hinubad ng killer ang maskarang nagtatago sa tunay niyang katauhan. Inilahad nito si...
Xyryll's POV
"P-pwede ba naming.. makita ang mukha mo?" Napangisi ako. Bakit naman nila gugustuhing makita ang mukha ko?
Oo. Ako nga ang killer. Ako yung babaeng gustung-gustong pumatay.