- Tres -

103 5 0
                                    

- TRES -

---

"GOOD MORNING EVERYONE!" sigaw ni Philip pagkapasok pa lang niya sa cafeteria ng paaralan. Agad itong kumuha ng inihandang pagkain at umupo sa tabi ng dalawang nagbabasang si Xyryll at Maireene.

"Hi Maireene! Hi Xyryll!" bati nito sa dalawa.

"Hi."

"Ano bang binabasa niyong dalawa ha?" akmang titingnan ni Philip ang cellphones nina Xyryll at Maireene ngunit naitago nila agad ito.

"Di mo ba alam ang salitang privacy ha?!" bulyaw ni Maireene sa kaibigan. Wala namang imik si Xyryll.

"Sorry naman 'te ha." umupo naman sa tabi nila ang anim pa nilang kaibigan.

"Xyryll and Maireene, kumain muna kayo." sabi ni Nadine. Sabay namang tumango ang dalawa, ngunit hindi pa rin inaalis ang tingin sa cellphone.

"Ay, nga pala guys, dun tayo sa computer room mamaya maglilinis, tapos i-operate daw natin yung computers." sabi ni Bennidick.

"Mamaya pa?" tanong ni Philip.

"Yup. Mga 2 pm pa."

Samantala, nautusan naman ang isa sa mag-aaral ng III-SS1 na si Joe na magpunta sa basement ng paaralan para kumuha ng mga gamit-panlinis. Habang naglalakad papunta sa basement, bigla na lang may humigit sa kanya gamit ang isang karit at agad siya nitong pinalo sa ulo ng isang matigas na bagay.

Nawalan na siya ng ulirat.

Joe's POV

*splash*

Agad akong napamugalat nang may magbuhos sakin ng tubig.

"Tagal mo namang matulog." napatingin ako sa nagsalita.

"A-anong kailangan mo sakin?"

"Buhay mo." napalunok ako sa sinabi niya.

"M-may ginawa ba ako sayong masama ha?!" ngumisi na nakakatakot ang kaharap ko ngayon.

"MERON! MALAKI! ISA KA SA NANAKIT SA BESTFRIEND KO! KAYA PAPATAYIN DIN KITA!" naglabas ng martilyo ang babaeng kaharap ko ngayon atsaka...

"Aray! Tama na! Aaaahhh!" walang awa niyang pinagpupupukpok ang mga daliri ko sa kamay. Hindi niya ito tinigilan hannga't hindi ito nagkakadurog-durog. Maya-maya'y naglabas naman ito ng lagaring kinakalawang na. A-ano namang gagawin niya dyan? ..

"Araaay!" napahiyaw ako sa sakit nang lagariin ng babaeng to ang dalawang binti ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit dahil dahan-dahan niya itong inilalagari sa balat ko.

"Tama na please!" sa wakas tumigil na siya. Pero hindi pa pala... humugot naman siya ng nuwebeng malalaking karayom na may itim na sinulid. Unti-unti siyang lumapit saakin at ibinaon ang isang karayom sa braso ko. Inalis niya ang karayom sa braso ko, ngunit muling ibinaon ng mas malaim at mistulang nagtatahi sa braso ko.

Sobrang sakit dahil napupunit na ang balat ko sa sobrang diin ng hila niya sa sinulid. Hilam na hilam na ng luha ang pisngi ko.

"Masarap ba sa pakiramdam ang tusukin ng karayom?" tanong niya matapos niyang "tahiin" ang braso ko. Hindi na ako makapagsalita at nahihilo na rin ako dahil sa dami ng dugong nawala sa akin. Mukhang mamamatay na ako ah...

NuwebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon