- Dos -

120 5 1
                                    

- DOS -

---

"STOP SINGING SHANAIA! YOUR VOICE SOUNDS LIKE BULLSHT!" sigaw ni Arianne kay Shanaia.

"DAMN YOU ARIANNE! AKALA MO NAMAN ANG GALING GALING MONG KUMANTA!"

"MAGALING TALAGA AKO! IKAW, TRYING HARD LANG!" Bwisit na bwisit na si Nadine sa sigawan ng dalawa. Kanina pa kasi ito nag-aaway sa kanilang private room.

"Leche kayong dalawa! Ang ingay niyo!" sigaw ni Nadine. Samantala, nanonood na pala sa tatlo ang anim pa nilang kaibigan.

"Hanggang ngayon ganyan pa rin sila magbonding." sabi ni Maireene.

"Minsan talaga naiisip ko kung nagpaplastikan lang sila eh." sambit naman ni Xyryll. Napansin naman sila ni Shanaia kaya pinapasok na sila sa kwarto.

"MAIREENE! XYRYLL! PHILIP! BAKIT HINDI KAYO NAGPUNTA DITO KAHAPON?!" bungad sa kanila ni Arianne.

"Lagi kasi kayong nag-aaway ni Shanaia. Ayaw naming marinig yang ratatat ng bunganga niyo. Ang sama kaya ng tabas ng dila niyo." sambit ni Xyryll.

"Ang sakit mo talagang magsalita!"

"Ganun naman ang role ko dito eh. Ang manakit gamit ang mga salita ko."

"Alam niyo magpunta na lang tayo sa classroom naten. Baka dumating na si Ms. Canares." turan ni Maireene.

Taas-noong naglalakad ang Queens. Samantalang busy naman sa pagbabasa si Xyryll at Maireene. Hindi nila kasama ngayon si Philip at.. Kings dahil nauna ito sa classroom. Pagkapasok pa lang sa room, inilibot agad ni Arianne ang kanyang paningin sa loob. Nang makita niya ang hinahanap, agad siyang napangiti.

Ang gwapo mo talaga Yosef. Sa loob-loob ni Arianne. Hindi niya ito malapitan dahil mailap ito sa kanya. Tuwing lalapit pa lang siya dito, lalayo na kaagad ito. Allergic siguro ito sa magaganda.

Napalingon naman ang lahat sa sumisigaw na si Shanaia.

"HINDI KA BA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO?!" sa harap ni Shanaia ay ang basang-basang si Kara, isa sa kaklase nila.

NuwebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon