- DIYES -
(Last Chapter)
---
(Part 2)
Third Person's POV
Rumehistro agad sa mukha ni Philip ang takot.
"Ugh!" hiyaw nito habang pinupukpok ni Xyryll ng martilyo ang tuhod niya.
Nang makuntento na ang babae, initsa niya na ulit ang dice. 4-1. Kinuha naman niya ang maso, atsaka sinimulang masuhin ang siko ni Maireene. Buong braso nito ang natanggal.
"Ang saya ng laro natin diba? Ngayon, lalagyan natin ng twist. Kayo ang pipili kung sino ang gusto niyong makaranas NG GALIT KO." initsa na ni Xyryll ang dice. 1-5. Tiningnan niya nang matalim si Arianne.
"Arianne, sino ang gusto mong mauna?"
"Si Bennidick." kumunot agad ang noo ni Bennidick.
"Bakit ako?"
"Kung hindi mo nirape yung Charlize na yun, hindi sana magkakaganito!"
"G*go! IKAW ang nag-utos sakin!"
"TAMA NA! GUSTO NIYO BANG PATAYIN KO KAYO PAREHO?" inilabas ni Xyryll ang cutter sa likod niya, atsaka dahan-dahang hiniwa ang lahat ng daliri nito. Hiyaw naman ng hiyaw ang lalaki.
"Pasalamat ka't hindi ko puputulin yang mga daliri mo." biglang ngumisi si Bennidick.
"Hindi mo pa tinuluyang putulin! Nahiya ka pa!" Tumalim ang tingin ni Xyryll, at biglang sinaksak ng cutter ang dalawang daliri nito.
"Oh ayan. Masaya ka na ba?" ibinato na ni Xyryll ang dice. 5-4.
"Arianne, pili na."