- KWATRO -
---
Kinabukasan, hindi nagkikibuan ang buong section dahil sa nangyari kahapon. Hanggang ngayon, wala pa ring nakakaalam kung sinong may gawa ng krimen. Maya-maya, tumayo sa pagkakaupo si Arianne at nagsalita.
"Uhm, sorry for interrupting you, but we're gonna clean t-the... the computer room later this day." agad na napatingin kay Arianne ang lahat.
"BAKIT SA COMPUTER ROOM?!" sigaw ni Kara, yung babaeng nabangga ni Shanaia noon.
"Wala tayong magagawa. Dun tayo pinaglilinis. Remember, nasa isang community service tayo." sabat ni Gerard sa usapan.
"UUWI NA LANG AKO!" walang kaabog-abog na sabi ng isa nilang kaklaseng si Allyce. Lumabas ito ng cafeteria ngunit maya-maya lang...
"GUYS! FLAT NA ANG TIRES NG MGA KOTSE NATIN! AT... AT PATAY NA LAHAT NG GUARDS NA NANDUN SA GATE! AND THE GATES WERE LOCKED!"
"What?!" napamaang naman ang iba sa tinuran ni Allyce.
"Paano mo naman nasabi?" tanong ni Shanaia.
"Sumunod kayo sakin." nagsitayuan naman ang lahat at nagtungo sa gate ng paaralan.
"Sht." napamura na lang si Kiel sa nakita. Butas nga ang gulong ng mga kotse nila, at ginilitan naman sa leeg ang mga guards na nagbabantay sa gate. 3 lang ang guards sa school, at lahat yun patay na.
"Nakalock nga ang gates! Hindi naman natin kayang akyatin ang gates dahil sobrang taas niyan!" sambit ni Alyanna, isa nilang kaklase at kaibigan ni Allyce. Humahangos na lumapit ang kaklase nilang si Johan at Jim.
"Guys! Pati yung mga bintana sa rooms, nakalock din!"
"WHAT?! PANO TAYO AALIS?!" maarteng sigaw ni Nadine.
"Hindi na tayo makakaalis.. unless.. kukunin niyo yung susi sa.. g-guardhouse ng school.." sambit ni Christa.
"Ako na lang kukuha." matapang na turan ni Ralph.
"Sasama na rin ako." ani Justin.
"Dun tayo magstay sa CCTV Room para makita natin yung mga mangyayari sa dalawa." sabi ni Arianne. Sumang-ayon naman ang lahat, ngunit naghati-hati sila sa apat na grupo, ang dalawang grupo ay sa dalawang CCTV Room, at ang dalawa pa ay nagpunta sa mga rooms na pinag-stay-an nila para kumuha ng mga gamit. Hindi alam ng lahat, may pumuslit na silang kaklase para isagawa ang planong pagpatay.
Justin's POV
Naglalakad kami ngayon ni Ralph papuntang guardhouse ng school. Ang sosyalin naming paaralan, nagmumukhang haunted school sa paningin ko.
Ay tae, madadaanan nga pala namin yung computer room na pinaglalagyan ng bangkay ni Joe.
"R-ralph. I-ikaw na lang pumunta sa guardhouse. Ichi-cheer na lang kita!" nag-aalalang sabi ko kay-- A-ASAN NA SI RALPH?!
Lumingon ako sa likod ko, just to see Ralph being pulled by someone.
"R-ralph--!" bago ko pa man matuloy ang sasabihin ko, may pumalo na kaagadsa ulo ko.
Everything went black.
"Justin! Justin gumising ka dyan!" naalimpungatan ako sa sigaw na narinig ko. Pagkamulat pa lang ng mata ko, bumungad agad sakin ang mukha ni Ralph-- na nakabaliktad?