Epilogue

19 3 1
                                    

Epilogue

Madramang author's note:

Annyeong! *kaway kaway* Maraming salamat sa pagbabasa, at sana, wag mo masyadong dibdibin yung nangyari sa story ko. Jusko, ayoko namang magkaron ng reader na naging serial killer. XD Mamaya patayin mo pa ko, gusto ko pang mapakasalan si Baekhyun nuh!

P.S. Salamat sa pinakamamahal kong section, IV-SS1 sa suporta hehe =) (kung may sumuporta man xD)

*

"40 ang bilang ng mga natagpuang bangkay sa paaralang Evitha Lucian High kaninang alas-tres ng umaga. Napag-alamang isang buong klase ang mga patay, kabilang ang 3 guwardiya at anim na guro. 5 ang nawawala sapagkat kwarenta y singko raw silang lahat na naiwang sa eskwelahan. Narekober sa crime scene ang mga martilyo, lagari, kutsilyo, karayom at iba pang ginamit sa pagpatay. Hiwa-hiwalay ang mga bangkay, ngunit natagpuan ng kapulisan ang limang magkakaharap na bangkay. Ito ay kinilalang sina Nadine Gatdula, Gerard Briones, Philip Imperial, Maireene Rosario at Shanaia Samaniego. Natagpuan din nila sa isang tabi ang nagngangalang si Xyryll de Luna na tila wala sa sarili."

May kumalabit sa akin mula sa likod. Paglingon ko, si Gerard pala.

"Arianne, hinihintay na nila tayo dun." Nilingon ko yung tinuturo niya. Maraming nakapila papasok sa kwebang iyon. Bakas sa mukha nila ang takot at pagod. Marami kaming nandito. Pinapangunahan kami ng lalaking nakaitim at kulay pula ang mga mata. Buong klase ang nandito, maliban sa Xyryll na iyon at kay---

"Arianne, halika na!" Hinila na ako ni Gerard at sabay na kaming pumila.

Natatakot ako. Natatakot akong malaman ang kahahantungan naming mga makakasalanan. Natatakot akong isipin na hinding-hindi na ako makakaalis sa lugar na iyon.

Natatakot akong mapunta sa impyerno.

Alam ko. Alam kong sabay-sabay na masusunog sa impyerno ang mga kaluluwa namin. Alam kong doon namin pagsisisihan lahat ng kasamaan namin.

Gusto kong umiyak. Gusto kong magwala, pero masyado na akong mahina para lumaban. At isa pa, ano pa ba ang rason ko upang lumaban? Mabubulok na lang kami sa impyernong iyon.

Tanaw ko ang nanay kong umiiyak pagkatapos makita ang bangkay ko. Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko.

Dito kami nararapat. Dito kami mapupunta. Ito ang tadhana namin. Ang masunog sa impyerno.

Kapalit ng kamatayan ay kamatayan din. Tama. Walang kapatawaran ang ginawa namin. Kahit hindi man patay si Charlize, alam kong pinatay na namin ang kaibuturan niya. Sinira namin ang lahat sa kanya. Kaya nararapat lang na mamatay kami.

Malapit na. Malapit ko ng marating ang kadiliman. Malapit ko ng maranasan ang walang hanggang pagdurusa. At wala akong magawa, kung hindi ang yakapin ang hirap na lulukob sa aking kaluluwa.

Ikaw, gusto mo saking sumama?

* END *

Pasensya na! Yan pang nakayanan xD

NuwebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon