- NUWEBE -
---
"Guys! Nakita na namin yung bangkay nina Christa at Kara!" bungad ni Bennidick pagpasok niya sa cafeteria kasama si Kiel.
"Nasaan?" walang ganang tanong ni Shanaia na para bang natural na lang ang makarinig ng ganun.
"Andun sa may garden ng school!" sabi ni Kiel.
Oo. Patay na nga ang dalawa. Noong namatay ang mga ilaw at biglang nagflash sa screen ng school ang isang snuff film,si Christa at Kara ang pinapatay doon. Ngayon, dose na lang silang natitira.
Samantala, pansin naman ni Arianne ang pagkabalisa ni Sharram.
"Sharram, what the hell is happening with you?!"
"Si Alyanna kasi eh.."
"Ano? Nirape ka ni Alyanna?" lumingon sa kanya si Sharram.
"Buti sana kung ganun lang, pero hindi eh! Siya yung killer.." inilapit ni Arianne ang mukha kay Sharram, na ikinaasiwa naman nito.
"So close ka naman masyado! FYI Arianne, hindi ko pinangarap mapunta sayo ang first kiss ko!" sabi ni Sharram.
"Ambading mo. Pero, weh? Si Alyanna yung killer?"
"Oo nga! Atsaka may kausap siya kanina sa kwarto nila. At paniguradong si Allyce yun!"
"Si Allyce? So ibig sabihin, tama si Junie? Di ba sabi niya nung muntik na natin siyang mapatay, si Allyce ang killer?"
"Oo. Tama siya. And obviously, nakapatay tayo ng inosenteng tao."
"Guys guys, nakita niyo ba sina Anya?" tanong ni Nadine sa kanila.
"Bakit? Nawawala ba siya?" tanong ni Sharram.
"Ah-- obviously nawawala siya. Kasi hindi naman namin siya hahanapin kung hindi siya nawawala." sarkastikong tugon ni Nadine. Napakamot na lang sa ulo si Sharram.