- Otso -

53 3 0
                                    

- OTSO -

---

KINABUKASAN.

Si Junie at Autumn, nasa isang tabi at umiiyak.

Si Anya at Sharram, pinaglalaruan ang pagkain nila.

At ang magkakaibigan maliban kay Arianne, ayun, nakatingin sa kawalan. Apektado pa rin sila sa nangyari kahapon.

Bigla na lamang pumasok si Arianne sa cafeteria at nagsisisigaw.

"AAAAHHH! DAMMIT! THIS IS ALL MY FAULT!" sigaw nito saka pinagsisisipa ang mga upuan. Nilapitan siya ni Gerard.

"A-anong problema?"

"Yosef's dead." napanganga sila sa tinuran ng kaklase.

"What? Yosef? I thought si Yuanne lang ang pinatay mo?" tanong ni Xyryll. Napahagulgol si Arianne at napasinghap naman ang ilan.

"Xyryll! Ano ba naman yang tanong mo?!" galit na sigaw ni Maireene.

Painosente naman siyang tiningnan ni Xyryll. "What? I'm just voicing out my thoughts."

"H-he's dead. He committed suicide." ibinigay ni Arianne kay Shanaia ang cellphone ni Yosef at pinapanood ang video sa mga kaklase.

Napapalunok naman ang lahat habang pinapanood ang suicide video ni Yosef.

"Oh My God."

"KASALANAN NIYO TO! PINATAY NIYO SI BELINDA!" biglang sigaw ni Junie at nagtatakbo papuntang kung saan. Sinundan siya ni Autumn at ni Anya.

Ano ba naman kasi itong nangyayari sa klase namin? Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Ano bang kasalanan namin sa killer at ginaganito niya kami? Basta.. kailangan ko lang mag-ingat.. Sa isip-isip ni Gerard.

Anya's POV

"KASALANAN NIYO TO! PINATAY NIYO SI BELINDA!" sigaw ni Junie sabay takbo paalis. Agad namin siyang sinundan ni Autumn.

NuwebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon