(A/N: So guys, ito na po ang book 2 ng PANAGINIP! YEHEY! SABOG CONFETTI! Sana po magustuhan niyo rin po ito katulad ng book 1 :D! Sorry po kung na-late ako sa pagpost. Nabitin ko pa yung iba. Salamat nga po pala sa inyong lahat! Sobrang naaappreciate ko yung efforts niyo :'). May isa nga po na gumawa pa ng isang account para mabasa na ang book 2 :""""> nakakkilig ka talaga! Dine-dedicate ko po ang buong book 2 sa inyong lahat na alang sawang sumusuporta sa akin. NAKS! Sa mga ngayon lang nakadalaw sa profile ko, basahin niyo po yung first book para maintindihan yung flow ng story nito :) EENNNNJOOOY! :**
And, dinededicate ko nga po pala ito doon sa napakasweet kong reader. Ang dami pala niyang ginawang account para lang maipost ko na yung Book 2 emeged! Ang gaganda rin ng stories niya PRAMIS! KILIIIIIG!)
CHAPTER ONE:
-Jairus' POV-
Nasaan ako?
Nasa loob ng classroom?
Bakit ako nandito? Nag-iisa lang ako? Wala akong kasama?
Sharlene? Nash? Jamaiza? Paula? Nasaan kayo?
Naglakad na lang ako sa buong classroom. Naisipan ko ring lumabas sa hallway para maghanap ng tao. Kaso nabigo ako. Pero ang mas nakakatakot, sa halip na sa hallway ako makalabas, sa loob ulit ng isang classroom. Humanap ako ng pintuan papalabas. Isang classroom pa rin ang nalabasan ko! Ano ba ito? Anong nangyayari sa paligid? Pinaglololoko na lang ako ah!
Sa wakas! Sa tagal-tagal ng nilalakad ko, may nakita na akong tao sa loob ng isa sa mga classroom. Actually, hindi naman ako naalis dito. Alam kong ito pa rin ang classroom ko nung 3rd year pa ako. Isang babaeng mestizang may mahabang straight na buhok na nakatalikod at may hawak na sketch pad at lapis. Hindi siya pamilyar sa akin. New student?
"Excuse me miss, pwedeng matanong kung ano ang nagyayari dito? Bakit walang tao? At... anong nangyari sa school?" Hindi siya kumikibo. Hindi rin siya gumagalaw. Statueng manikin lang yata itong kausap ko eh.
Nilapitan ko na lang siya para kalabitin. Kapag matigas, statue nga.
Nung nakalabit ko na biglang gumalaw paharap sa akin. Natakot ako. Nung humarap pa siya sa akin, parang magic na hindi ko namalayan na malayo na ulit siya sa akin. Nalalamon ng dilim ang image niya kaya hindi ko siya makita, pati ang mukha niya, pero nakikita ko ang galaw ng labi niya. Bigla siyang nag-smirk at nilabas ang sketch pad na hawak niya. Nagdrawing siya. Nakakpagtaka, nakikita ko yung drawing niya.
Isang pintuan ang inisketch niya. Tapos sa ilalim, naglagay siya ng signature.
--C
Yung ang pangalang nilagay niya.
C? Kakaiba ang nararamdaman ko sa letrang ito. Mabigat sa loob. Masama ag kutob ko rito.
Tapos, biglang may mga salita siyang sinabi kaso hindi ko naintindihan dahil sa napakalakas na ingay na narinig ko.
Hanggang sa....
-----------------------------------------------------------------
TOOOOOOOOOOOOOOOT!
Ahhhhh! Panira naman yung alarm clock eh oh!
Teka, panaginip? Nanaginip ako ulit? Ilang buwan na akong hindi nanaginip ah.
Makalipas ang ilang minuto biglang pumasok si Belinda sa kwarto.
"Kuuyaaa! Buti na lang gising ka na. Akala ko pahirapan na naman kita gigisingin eh. By the way, ready na nga pala ang breakfast. Bago umalis si mommy, ipinagluto na niya tayo. Tumulong rin ako!" Pagmamalaki ni Belinda.
![](https://img.wattpad.com/cover/11613838-288-k275039.jpg)
BINABASA MO ANG
Panaginip II (JaiLene Fan Fiction)
Romance"You're the only one, these chains of love remain unbroken. You're the only one, you know my heart's already spoken. 'Cause there's no other, other, other. 'Cause there's no other, other, other." --Lyrics from You're the Only One by Reed Deming