CHAPTER 12

569 38 8
                                    

CHAPTER 12:

-Sharlene-

Patuloy pa rin akong nag-iisip ng paraan kung paano mapuputol yung gayuma. Nakakainis! Walang idea na lumalabas sa utak ko!

Pagkababa namin ni Bugoy sa kotse, napansin ko si Jairus na nakatayo sa gate ng school. Nakapasok ang mga kamay niya sa bulsa niya at nakapatong ang kaliwa niyang paa sa pader. Ang hot niya tignan ngayon 😳

Ano ka ba naman Sharlene!

Baka hinihintay lang niya si Mika sa dumating. Hay buhay.

Naglakad ako ng diretso papasok ng school. Hanggang sa naramdaman ko na parang hindi na ako nakakaalis sa pwesto ko. Napansin ko na lang na nakahawak sa braso ko si Jairus at nakatitig sa akin.
O.o Anong trip nito?

Hindi siya kumikibo. Patuloy niyang hawak ang braso ko.

"Jai, ano bang----" Hinatak na lang niya ako bigla papasok sa loob ng kotse. Ibinato niya ako sa shotgun seat at drinive niya ito ng mabilis.

"Jaiiiii, ano ba nasinghot mo ngayon?!" Nakakapit na ako ngayon ng mahigpit sa seatbelt ko dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya ng kotse. May lisensya ba ito? Katapusan ko na ba ito? "May lisensya ka ba?"

Hindi niya ako sinasagot at nanatiling emotionless ang mukha niya. Nakakainis! Sumasakit ang ulo ko sa lalaking ito. Hindi ko malaman ang balak nito. Hindi ko mabasa.

"Andito na tayo." Sabi niya sa akin at lumabas ng kotse. Pinagbuksan naman niya ako ng pintuan. OMG! Ang gentleman niya pa rin. Nakakaramdam na naman ako ng kilig :">

"Sa-salamat." Nautal pa ako. Ano ba yan Sharlene?!

Mall?

Pagkapasok namin ng mall at matapos i-inspect sa entrance, dahan-dahan niyang ipinasok ang mga daliri niya sa pagitan ng mga daliri ko. Tumingin siya sa akin at nag-smirk. Hindi ako makahinga. Ano ba nangyayari sa lalaking ito? Hindi kaya... BUMALIK NA ANG DATING JAIRUS?

Naramdaman kong namumuo na yung mga luha sa gilid ng mga mata ko.

"O bakit ka naiiyak?" Malambing niyang tanong.

"Ikaw na ba talaga iyan?"

Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa mukha ko at pinunas ng hinlalaki niya sa gilid ng mata ko.

"Oo. Ako ang Prince Jaironman mo. The one and only." Nginitian niya ako ng napakatamis. Napakatamis!

Hayst. Ano na namang kamanyakan ang naiisip ko.

Dumiretso kami sa tindahan ng isang signature clothes. Wala masyadong costumers kasi nga mahal lahat ng presyo ng damit.

"Good morning Sir Jairus!" Bati nung saleslady. Kilala siya?

"Sir Jairus?" Tanong ko.

"Mahabang kwento."

"Kukunin ko na po yung pina-reserve kong damit." Sabi ni Jairus.

"Pi-pina-reserve? Di ba mahal dito?"

"Mahal kasi kita." Kinindatan niya ako.

"Eto na po." -Saleslady

Kinuha niya yung damit at inabot niya sa akin. "Isukat mo na. Surely, bagay sa iyo yan. Lahat naman bagay sa'yo."

Naramdaman kong nag-iinit yung mga pisnge ko. Jairus bakit mo ba ako pinapatay sa kilig?!

Pumasok na ako sa fitting room at sinukat yung may pagka-70s (Imagine niyo yung mga damit ni Kim Chiu sa Ikaw Lamang) na green na dress. Bali na talaga ang epekto ng gayuma? Yes!

Panaginip II (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon