CHAPTER 8

839 27 10
                                    

CHAPTER EIGHT:

-Jamaiza-

“Ano ba kasing nangyari?------”

Hala! Bigla ba naman akong babaan! Ano ba kasi nangyari doon?

“Ah Nash, bukas na lang ulit tayo mag video chat ha.” Nagvi-video chat kasi kami ni Nash nung biglang tumawag si Sis Shar.

“Anong nangyari kay Sharlene?”

“Hindi ko nga rin alam eh. Malamang may nangyaring masama roon. Sige ah. Mauna na ako.”

“Sige, bye!” In-exit ko na yung Google Chrome at shinut down yung laptop. Ano ba kasi nangyari kay Shar?

Dali-dali akong lumabas ng kwarto.

“Saan ka papunta ate? Gabi na ah.” Tanong ni Nathaniel sa akin, kapatid ko.

“Ipagpaalam mo na lang ako kay mama. May nangyari kasi yata kay Ate Shar mo eh. Kailangan ko pang hanapin.”

“Sige, ako bahala. Ingat.”

Tumakbo ako papalabas at tinawag yung driver namin.

“Kuya, balik po tayo ulit sa school. Hanapin natin si Sharlene.”

Hindi ako mapakali, hindi ko inaalis ang mga mata ko sa bintana ng sasakyan.

Finally! Ayun si Shar!

“KUYA AYUN SI SHAR!” Tinabi ni kuyang driver yung sasakyan at dali-dali akong bumaba.

“SHARLENE!”

“Jamaiza…” Patakbo siyang yumakap sa akin at bigla na lang siyang umiyak nang umiyak.

“Ano bang nangyari?! Magsalita ka naman.” Hindi ko na rin mapigilang umiyak. Napakahalaga ng babaeng ito sa akin. Ayokong nakikita siyang umiiyak at nasasaktan.

“Si Jairus… Niloko niya ako!” At lalo pa siyang umiyak ng malakas.

“Ano?! Totoo ba iyan?” Hindi na siya kumibo pa at dinaan na lang sa iyak ang lahat. “Sige ilabas mo lang iyan. Sa ngayon, umuwi ka muna.”

“Ayokong umuwi nang ganito ang itsura ko. Pwedeng sa inyo muna ako?” Ngayon ko lang nakitang nagkaganito ang bestfriend ko. Lagot sa akin ang Jairus na yan!

“Tatawagan ko muna si Tita ha.” Nilabas ko ang phone ko at hinanap ang pangalan ni Tita My sa contacts.

“Tita, kasama ko po si Sharlene ngayon.” Bungad ko nang sinagot na ni tita ang tawag ko.

“Bakit hindi pa siya umuuwi.”

“Pasensya na po kung ngayon lang kami nakapagpaalam… Mukhang may problema po yata siya eh. Pwede po bang dito muna sa amin? Dito po sana siya matutulog?”

“Mapagkakatiwalaan ka naman eh. Magpapadala na lang ako ng damit at uniform niya dyan. Ingat kayong dalawa dyan. Pakausap nga sa anak ko.”

“Shar, si tita.” Inabot ko yung phone ko.

“Ma…” Matamlay niyang sagot.

“Anak, ano bang nangyari?”

“Ma, tsaka na po.”

“Si-sige. I love you!”

“Love you too mom.” At iniabot na nga niya sa akin ang phone ko.

“Bye po Tita!” Nag-hang up na ako. “Tara na.”

**Britt Residence

Dinala ko muna siya sa walk-in closet ko at pinagpalit ng damit. Pagkatapos non, nagpadala na lang kami ng dinner sa kwarto. Dito na lang kami kakain at magke-kwentuhan.

Panaginip II (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon