CHAPTER 18

209 14 3
                                    

-Jairus' POV-

Bakit ako nasa labas ng simbahan?

Sa hindi malaan na dahilan, tinutulak ako ng aking mga paa papasok ng simbahan.

Mukhang may okasyon na magaganap dito ah.

Nakaayos at punong-puno ng bulaklak ang aisle ng simbahan. Nilibot ng aking mga mata ang buong view ng simbahan. Ang ganda kasi.

Ang weird. Pero pakiramdam ko tinatawag talaga ako ng altar. Hinayaan ko na lang ang mga paa ko na lakaran ang malinis at malambot na red carpet at tumungo roon.

Teka, may kasal ba? Bakit wala namang mga tao?

*snap*

Pagkabanggit ko naman non, biglang napuno ang mga upuan ng simbahan ng mga taong nakaayos ng maganda at may baon-baong magagandang ngiti. Iba-iba ang emosyon ng bawt isa. May tuwang-tuwa, umiiyak, walang pakielam at iva hindi mo alam kung masaya o malungkot o galit.

"You may now kiss the bride." Rinig kong sabi ng pari kaya napatingin ako sa may altar.

Sharlene?!

Si Sharlene ba yung bride?

Paanong?

Bakit?

Bigla namang nagpalakpakan ang mga tao ng matapos ang kiss ng couple. Humarap sila sa mga tao at dun ko napatunayan na si Sharlene nga yung babae!

At sino naman yung mokong na kasama niya? Malayong si Daniel kasi matangkad yung lalaki.

Lalapitan ko na sila dapat kaso...

"Panaginip?" Nagising na ako. Bumangon ako at umupo sa kama ko. Ano naman kaya ang ibig sabihin nun? May kinalaman kaya ito sa past life namin ni Sharlene?

Naisipan kong ikwento ang napanaginipan ko kay Sharlene. Nahiya naman akong ituloy ang pagtawag ko kasi ala-una palang ng madaling araw. Ayoko namang masira tulog niya.

Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng malamig na tubig.

Mayroon pa ba akong hindi alam? Napapaisip tuloy ako.

"Kuya?" Naputol ako sa pag-iisip ng tawagin ako ni Belinda.

"Bakit gising ka pa?" Tanong ko naman.

"Narinig ko kasing may tunog na nanggagaling dito sa kitchen kaya pinuntahan ko. Akala ko kung ano. Ikaw lang pala." Sabi niya sa akin habang nagku-kusot pa ng mata.

"Daig mo pa yung aso natin sa talas ng pakiramdam ah." Panunura ko sa kanya.

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Belinda xD "Nakakainis ka naman kuya eh! Umagang-umaga nanunura!"

"AHAHAHAHA!" Nakakatawa talaga ang mukha niya kapag nasusura. "Sige na, matulog ka na baka hindi ka pa lumaki niyan! HAHA!"

"G R R!" Sigaw niya at umalis. Arte!

Kinaumagahan

May practice kami ng basketball ngayong araw para sa laban namin sa makalawa. Matagal-tagal na rin kaming hindi nakapaglalaro ang varsity namin sa ibang school. Kailangang pag-igihan ito. Para sa LUV U!

Pero syempre, bago umalis ng bahay

To: Prinsesa 💞

Beh, may practice nga pala kami ng basketball ngayon. Kaya baka hindi kita ma-text madalas. Luv u! 😘

Send!

Hinintay ko sandali yung reply niya pero wala pa eh. Baka tulog pa.

Naggayak na ako at pumunta sa school para sa practice.

Panaginip II (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon